I'm so happy because I lost another 2 lbs despite the fact na hindi ako masyadong nakakapag-exercise nung mga nakaraang araw dahil sa aking busy schedule. Sobrang nagworry nga ako baka nag-gain ako eh kaya nga nagulat ako nung nagweigh ako kasi I still managed to lose a little pounds. So from 192 lbs from my last weight update, I'm down to 190 lbs. Yey! malapit na akong makaalis sa 190 range!!!
Aside sa nalose kong 2 lbs, some of my old clothes are starting to fit me na. Sobrang nakakatuwa talaga! Hindi na ako masyadong mukhang losyang! Hahaha! Ang pangit lang kasi pakinggan nuon kapag sinasabing nanay na nanay na ang itsura ko eh.
Tapos ang dami ko pang narereceive na compliments from my relatives. Nakakapang-enganyo tuloy lalo! Sarap lang ng feeling kapag nanonotice na ang efforts ko. =)
Kaya, GO! GO! GO! Huwag lang sana mabuntis kaagad! Hahaha!
Showing posts with label exercise. Show all posts
Showing posts with label exercise. Show all posts
Thursday, April 04, 2013
Saturday, March 23, 2013
Weight Update as of March 22, 2013
Yesterday, sobrang sarap ng pawis ko after I exercised. Yun yung tipong para lang akong naligo sa ulan (since umulan rin ng pagkalakas lakas kahapon).
Kapag ganito ang pawis ko, ang sarap ng pakiramdam. Para bang ang dami kong nabuburn na calories. Hehehe. Parang nakaka-addict lang mag-exercise ng mag-exercise. Kung hindi lang de-oras ang kilos ko, since ako lang ang nag-aalaga sa mga kulilits, di ako titigil eh.
Anyway, I weighed again and I'm very happy to announce that I lost 4 pounds in 1 week this time. So from 196 lbs from my last weight update, I'm down to 192 lbs. Yes I know, mabigat pa rin ako. Pero slowly but surely dapat eh. Pangit naman kung instant di ba kasi kapag ganun I'm sure konting kain lang mabilis pa sa alas quatro tataba ulit.
Pero right now, I'm very happy na kasi at least kahit papaano nafeefeel ko na na pumapayat ako dahil sa mga damit ko. Lumuluwag na sila mga mothers! Like yung suot ko yesterday, hindi na bulging ang aking tiyan. Hehehe.
Share ko sa inyo ang pics. Walang edit yan ha...
Ano sa tingin niyo guys? Grabe, parang ginaganahan talaga akong magpursigeng magpapayat! =)

Friday, March 15, 2013
Effortless Weight Loss & Weight Update as of March 14, 2013
Good mawnin' guys! How's your day so far? Ako, happy na. Hubby and I had a fight kasi yesterday morning eh. Pero ngayon, okay na kami. Bati na ulit kami. Hahaha.
Anyway, alam niyo ba, si hubby naglose na ng 2 pounds??? Ang daya nga eh kasi napaka-effortless ng weight loss niya. He's just taking Life Enzymes plus bawas lang na rice sa baon niya. That's it! Naglose na siya ng 2 pounds in one week. Ang daya talaga! Samantalang ako, mega effort ako sa pag-eexercise and diet plus pag-aalaga pa sa mga kulilits pero pahirapan ang paglose ng pounds.
Haaayysssttt... May mga tao talagang kayang pumayat ng walang exercise ano? Yung iba nga nag-no no rice lang, no carbs or after 6:00pm diet, pumapayat. Pero sa akin, hindi talaga uubra yang mga diet diet na yan not unless sasamahan ko ng exercise.
Pero wait!!! Kailangan na ba akong mangamba??? Mukhang mapapasubo yata ako ha. Remember, may deal kami ni hubby sa pag-nuod niya ng Aerosmith The Global Warming World Tour na papayag ako na mag Lower Box ticket siya kapag naglose siya ng at least 10 pounds until March 31? Hala, baka magawa ng lolo niyo ha. Sayang ang almost P10K since P2,600 lang yung general admission ticket. Pero tignan natin, may 16 days pa naman eh.
Sa misyon ko naman sa pagpapapayat, hindi ko alam kung malulungkot ako or masasayahan ako eh. Masaya ako kasi naglose ako ng 2 pounds since last weight update ko last March 4. So from 198 lbs, 196 lbs na ako. Ang bigat ko pa rin ano? Nakakalula sa bigat! Hahaha. Malungkot ako kasi, 2 lbs lang ang nalose ko considering na sinasamahan ko ng exercise ang diet ko. Sino naman ang hindi malulungkot di ba? Si hubby, effortless nag lose ng 2 lbs in one week samantalang ako 2 lbs din in 10 days with exercise pang kasama. Anyway, sana sa inches na lang ako bumawi. Nafeefeel ko naman na lumiliit ako in terms of body measurements eh kahit na mabagal ang paglose ko ng weight.
So ayan lang muna for now guys... Bye!!!
Wednesday, March 06, 2013
Weight Update as of March 4, 2013
Wala lang. Gusto ko lang na kasama ko kayo sa misyon ko sa pagpapapayat. Gaya nga ng sinabi ko before, mas maganda na maraming nakakaalam para mas-mapressure akong magpapayat. Hehehe.
Anyway, as of March 4 (Monday), from 205 lbs I'm down to 198 lbs. Finally, hindi na ako 200 pounder. Yeba! Not bad na ha. That's 7 lbs in less than 2 weeks. Major effort na yan - exercise, diet and sasabihin ko na, Life Enzyme.
Sana magtuloy tuloy na ang weight loss ko dahil gusto ko na talaga pumayat!
Balitaan ko na lang ulit kayo ha. Abangan...
Saturday, February 23, 2013
My Roller Coaster Weight
My weight has been to a numerous cycle ever since. Aside sa pagiging sadyang tabain, I really love food. Alam niyo yun, mahilig akong kumain, mahilig magluto, mahilig magtry ng mga bagong restaurant, at iba pa. Basta anything about food, go ako. Sobrang hindi ako conscious sa katawan ko. Kaya lumobo ako ng todo todo. Yung parents ko lahat na ginawa sa akin para pumayat ako. Lahat halos ng sports inenroll ako para lang pumayat. Nag-gymnastics, nag-ballet, nag-swimming, nag-tennis ako pero wa-effect. Wala kasi sa puso kong pumayat that time.
Here naman is my photo in June 2010 when I joined the Bottle Run (hindi ko pa alam na buntis na pala ako dito)...
Nung 2nd year highschool lang ako natauhan. May isang photo kasi ako na sobrang nandiri na ako sa sarili ko (sorry for the term pero yun talaga ang naramdaman ko that time). Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko na magpapayat kasi sobrang pangit at taba ko na. Tapos natakot din ako dahil baka walang magkamaling manligaw sa akin. Imagine, 193 pounds ako that time. Kaya ako mismo ang lumapit sa mom ko and sinabi ko na i-enroll ako sa gym at gusto ko na magpapayat. Sobrang tuwa ng parents ko nun kasi sa wakas gusto ko na magpapayat at ako mismo ang nag-initiate. Kaya ayun they enrolled me sa Slimmers World as a lifetime member. Hindi naman nasayang yung membership that time kasi sobrang tiyaga ako. Buong summer, twice a day ako nag-gygym. I even attend 3 sessions of aerobics classes. Kaya pagdating ng 3rd year highschool nagulat yung mga classmates ko kasi ang laki ng pinayat ko. I maintained it naman until 2nd year college. My lowest weight yata that time is around 115 pounds. Payat na yun for my body structure ha kasi big boned ako.
Nakuha ko naman ang goal ko that time - pumayat at magkaboyfriend. Hehehe. Here is my picture during my debut with my first and last boyfriend (Doc Padu)....
O di ba, pareho pa kaming payat ni hubby that time. Pero after my debut, since may boyfriend na ako at pareho kaming food explorer ni Doc Padu, unti unti na naman akong tumaba. Pero kahit papaano medyo conscious pa rin ako kaya parang yoyo ang weight ko nung mga panahon na iyon.
After kong grumaduate ng college at nakapagtrabaho, sadyang nakalimot na talaga ako. Sa marketing department kasi ako ng Crown Asia eh. Ang dami kasing party sa office at pakain ng mga brokers na nakakabenta. Kaliwaan ang kainan. Kaya ayun palobo na ako ng palobo ulit.
Come my wedding day in 2006, wala na akong nagawa. Ako na ata ang pinakapangit na bride dahil ang taba taba ko tapos wala pa akong gana sa wedding gown ko kasi alam ko wala naman babagay sa akin dahil sa size ko. I'm around 205 pounds ata that time. Here is my picture during my wedding...
After the wedding, wala na talaga akong pakialam sa katawan ko. Basta masaya ako, go lang ng go. Then 2007, 2008 and 2009 came. Hindi pa ako nagkakaanak. Medyo nagwoworry na ako. Pero dumating yung 29th birthday ko nung 2009, nagkaroon ako ng realization. Magthi-thiry na ako at baka matuloy ang end of the world ng 2012 (nung 2009 kasi pinalabas yung movie na 2012 eh) tapos wala pa akong anak. Ayaw ko naman na hindi ko ma-experience na magkababy no. Kaya ayun, nagsumikap ulit akong magpapayat. Kaya nagsimula ulit ako mag-exercise and mega support ang padir ko that time dahil gustong gusto na niya magka apo. He even gifted me a pair of running shoes and treadmill (yes, sila yung old pals ko). Unti unti naman akong pumayat that time and di ko namalayan na jontis na pala ako. Take note, nagsasali pa ako sa mga marathons di ko man lang alam na may laman na matres ko.
Here is my photo around September 2009. This is the peak of my weight. I'm more than 250 pounds ata dito...
Here naman is my photo in June 2010 when I joined the Bottle Run (hindi ko pa alam na buntis na pala ako dito)...
So ayun, kahit hindi ko na reach ang goal ko in terms of my weight, nakuha ko naman ang ultimate goal ko na magkababy. Ang nakakatuwa pa is hindi lang isa, kundi dalawang bouncing baby boys.
Ngayon, eto na naman ako. Back to square one. Gusto ko na ulit pumayat. My current weight now is 205 pounds. Yes, ina-announce ko sa world wide web ang weight ko. Mas ok yan para maraming witness at lalo akong magpursige na pumayat dahil maraming mata ang nagmamatyag. Ang bigat ko ano? Pero hindi masyadong halata dahil ako ang tipo na mataba na hindi lousy (may shape pa rin naman daw kahit papaano sabi nila) and hindi lalamya lamya.
So what are my reasons now why I want to lose weight? Ang dami actually and here they are according to priority...
1. Health Reasons - Healthy pa naman ako kahit papaano except for the fact na wala na akong gallbladder. Hindi pa naman ako high blood and diabetic kahit malaki ako. Pero naman, sa dami kong kakilala na na-stroke at inatake sa puso na natigok, sino ba naman ang hindi matatakot di ba? Gusto ko pa naman kahit papaano makitang lumaki ang mga anak ko. I don't want to die young no!
2. I want to have baby no. 3 or baby no. 3 and 4 (yes, nangangarap ulit kami na magkatwins pero girls naman) - Before I reach 35 years old, target na namin ni hubby na magkababy ulit. High risk pregnancy na kasi pag more than 35 years old eh. Eh mag 33 years old na ako so kailangan na talagang humabol.
3. Balak ko maging endorser ng isang product - yep, you heard me right. I'm taking a product kasi ngayon. Isa yun sa business ng dad ko. Di ko muna i-aannounce kung ano yun dahil baka mamaya pumalpak ako. Nakakahiya naman di ba, baka mamaya sabihin hindi effective eh. Pero seriously, kinausap ko dad ko na isponsor niya ako dahil may kamahalan ang product na ito. Sabi ko sa kanya gawin akong guinea pig. Natuwa naman siya, in fact, pati raw si hubby pagamitin ko. Di ba ang saya nun, magbibigay ako ng testimony sa ibang tao pag-pumayat na ako? Malay niyo, magbigay ako ng give-away in the near future. Give me a month or two may effect na siguro.
4. Ayaw kong mag-mukhang losyang - Sino ba naman ang gustong magmukhang matanda sa age niya di ba? Aside from that, ang hirap din maghanap ng matinong damit kapag malaki ka. Gusto ko ibalik yung dati na kapag may nakita akong type ko na damit, hindi ko na kailangan magsukat.
5. I'm inspired by my CSA batchmate na si Fleur or mommy fleur - She is the mommy behind www.mommyfleur.com. Ang galing kasi niya eh. Malapit na niya mareach ang dalaga weight niya. Sobrang nakakainspire. You can see how thin, sexy and fab na siya right now. Actually, hindi lang sa pagpapapayat siya nakaka-inspire kundi sa iba't iba pang aspeto ng buhay. You check her website and see it for yourself.
So that's it! Samahan niyo ako sa misyon kong ito ha...
Friday, February 22, 2013
Hello Again My Dear Friends =)
Hi guys! How's your rainy Friday so far? Sobrang bed weather ano? Nakakatamad magkikikilos and ang sarap sarap matulog.
Siguro you're wondering kung sino yung mga friends na tinutukoy ko sa title ng blog post na ito. Well, I want you to meet my old pals:
My running shoes...
and my treadmill...
Akala niyo tao no? Hehehe. After more than 2 years, I decided na mag-eexercise na ulit ako. Kailangan eh. I'll tell you the reasons soon.
Lam niyo ba sa sobrang tagal kong hindi nagamit yang treadmill na yan, pwede nang tamnan ng kamote sa sobrang alikabok and it took me more than 5 minutes para mafigure out kung paano tatangalin sa pagkafold.
So ayun na nga, I started to run again yesterday. Mga 40 minutes lang habang nag aafternoon nap ang mga kulilits. Ang tagal ko nang gustong gawin ulit yan kaso lang napakahirap lang talagang umpisahan.
Eto ako after ko magrun yesterday...
Hindi lang halata pero pawisan na ako niyan. Lam niyo, ang sarap ng feeling after exercising. Parang ang daming toxins na nawala sa katawan ko.
Since nasimulan ko nang tumakbo kahapon, may driving force na ulit ako. Sayang naman di ba kung hindi ko pa ituloy tuloy? Kaya kanina, tumakbo ulit ako for 40 minutes. And as a proof (may proof pa talaga no? Hahaha!), here is my picture after I exercised...
O di ba, naresist ko ang tawag ng kama kanina kahit ang sarap sarap matulog dahil sa maulan na panahon?

Subscribe to:
Posts (Atom)

.jpg)