Sa totoo lang, hindi naman ako takot magpa-opera. Ang kinakatakot ko is baka hindi na ako magising after since I need to be in general anaesthesia.
During the day of my operation, puro kalokohan pa ako so that I won't be able to entertain negative thoughts. Nandun yung nilabanan ko yung mga gamot that would make me feel groggy. I challenged myself na I won't be able to sleep and be able to fight the effects of the drugs that they injected to me. Ayun nga, it worked. Hindi ako inantok at nagdadaldal pa ako. Nagulat na naman yung doctors sa loob ng operating room wherein they asked if the nurse gave me the meds coz' I'm suppose to be calm and sleepy that time.
Take note, nagpicture pa kami ni hubby before the procedure (addict lang talaga). LOL!
Here is my hubby completely geared up:
Dr. Ryan Nino C. Padua |
And me, literally doing wacky faces and take note, I'm already on the operating table:
Feeling 'di Kabado |
When the surgical team is already complete, nakita ko puro lalaki. Medyo nakakailang talaga. Nakakahiya kasi, makikita nila ang big tummy ko na full of stretch marks. Hehehe... Pero OK lang daw yun sabi ni hubby kasi puro professional naman daw sila and nandun naman siya. So ayun na, start na ng operation ko. The last thing I remembered is when my anaesthesiologist whispered to me "Cheryll, matutulog ka lang ha..." while making me smell some gas.
At around 9:00pm, parang nagkaroon ako ng ulirat. Nakita ko pa nga si hubby beside me watching Big Bang Theory eh. Pero that time, something is running inside my head. Parang like this one...
photosource |
Totoo...Promise, ganyan talaga tumatakbo sa utak ko habang unti unti akong nagkakaulirat! Eh nung medyo dumilat ako, naputol. Feeling ko kulang pa ang pagtransfer ng files kaya pumikit na ako and I tried to sleep again. Nung feeling ko 100% complete na ang pagtransfer ng memories ko, nag-isip ako ng kalokohan na gagawin ko sa hubby ko pagkagising ko. So here is what happened...
Me: ubo...ubo...ubo...
Doc Padu: went towards me and made himas my ulo... Be, Bebe...
Me: looked at him strangely... Sino ka?
Doc Padu: Hindi mo ako kilala?
Me: Hindi eh.
Doc Padu: Hindi mo ako nakikilala? Ano pangalan mo?
Me: Hindi ko alam eh.
Doc Padu: got his iPad and showed me the pictures of our twins... Eto, nakikilala mo ba sila?
Me: nagpipigil ng tawa... Hindi rin...Sino ba sila? ...since hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko... Joke! Joke! Joke!
Doc Padu: Ikaw talaga puro ka kalokohan!!!
So ayun, tawanan kami ni hubby sa loob ng recovery room. I asked him what happened during the surgery and bakit that time lang ako nagising. He told me that magang maga na ang gallbladder ko na malapit na magkainfection kaya natagalan yung operation. Instead of the normal 2 hours, almost 4 hours inabot operation ko. Makapal na raw yung gallbladder ko and nakadikit na raw sa liver sa sobrang maga kaya natagalan. Siyempre, ako si atat, nagyaya na ako bumalik sa room.
When I came back to my room, ihing ihi na ako. So I told my hubby to assist me to the restroom. He told me to just pee on my nappies. Ako naman, I said Huh? Wala naman akong suot na diapers ha? Walang nagawa si hubby. So ayun na nga, I walked kaagad. Yan ang isang benefit ng laparascopic kind of surgery. Hindi masyadong masakit and mabilis ang recovery.
The following day, walk walk walk na ulit ako and upo lang. Yun kasi advice ni hubby para mabilis daw ako makarecover. Even the nurses, nagulat kasi normally daw yung ibang patients nakahiga lang daw. My surgeon saw me also and asked me how I was. Sabi ko OK naman ako. Hindi naman ganoon ang pain, parang normal puncture wounds lang, and nakautot and nakapoo na rin ako. He was happy about it and said that I can go home na the next day.
Yehey for me! I can be with my twins na at home. Almost a week din yun ha. Medyo naburo ako sa loob ng hospital. Pero maganda rin ang effect ang pag-stay ko, kasi naforce ako magdiet. Ilang days ako NPO (nothing per orem). Lumiit yata yung bituka ko eh...hehehe...kaya nasanay na akong konti ang kinakain. Kidding aside, nagpromise na ako na I'll eat healthy na by eating veggies and fruits na lang as much as possible.
So that's it! I'm looking forward to a healthier me. =)
No comments:
Post a Comment