Ads

Showing posts with label Maid. Show all posts
Showing posts with label Maid. Show all posts

Tuesday, June 16, 2015

Sakit sa Ulo!

Last Tuesday, we got a new house help from Leyte. My first impression? Mukhang hindi tatagal and aanga anga (sorry, I'm just being honest here). Aside from my first impression, I have an intuition that she only went to Manila not for work but just for the sake to go and see what Manila is considering that she is only 17 years old. I actually made that clear to my mom that I said to her "Ma, ang bata ha, baka naman hindi trabaho ang hanap niyan dito." My mom said "Hindi naman, kailangan ng pera nito."

Anyway, I still got her kasi wala naman akong choice dahil nakapagbigay na ako ng pamasahe. So there, I briefed her on what she'll do. I actually prepared and printed her daily tasks. Detailed talaga yun para she won't miss out a thing and para hindi na rin ako paulit ulit ng instructions. Basically, ang work niya is linis ng buong house (labas at loob), dilig ng halaman, linis ng kotse, hugas ng pinggan, hiwa ng mga ingredients sa panluto and be with us if ever na aalis kami. She agreed naman. Kaya ayun, I bought her na some toiletries and shoes for her uniform.

During her first day, wala naman problema. Then the following days came, dun na nag-umpisa ang mga kasablayan. Actually, my first impression na "aanga anga" is definitely TRUE! Here are some instances:
  • Ang mga basahan namin, may kanya kanyang gamit yan. Merong pang-floor, may panglamesa, may pangfurnitures, may pang dirty kitchen, may pang rice cooker, may pang muta ni Pawie, at iba pa. I briefed her with that and made it clear to her. In fact, nandun naman ako demonstrating to her. Pero wag ka, parati, as in parating nagkakamali! Yung pang muta ni Pawie, muntik na ipamunas sa table buti na lang at nakita ko. Yung pamunas ng table, ipinampunas sa furnitures. Tapos yung pamunas ng floor, halatang halata naman na kakaibang basahan, pero yun ang ginamit pamunas ng table. Actually, marami pang ibang instances na paulit ulit lang ako. Kulang na lang na lagyan ko ng label ang mga basahan para hindi magkamali.
  • In feeding Pawie. I gave instruction to her kung gaano karami ipapakain kay Pawie. Twice ko inulit sa kanya. The first one is when we were still inside the car and the second one is during the time na papakainin na niya si Pawie. I told her na kalahati lang ng lalagyan ang ipapakain kay Pawie. Pero wag ka, inubos pa rin niya yung food for Pawie!
  • I told her to sweep na the garage. Sweep lang ang pinagagawa ko, pero ano ang ginawa? Sinabon na na naman ang buong garage! Eh 2x a week ko lang pinasasabon yun and kasasabon lang niya the day before.
  • Sa paglinis ng house, hindi pulido. Ang term namin dun ay "Linis Kiki". Like for example, when I got home from the wet market, I saw our front yard na may poo poo pa ni Pawie and the side yard na marami pang sukal. I asked her if finish na siya magwalis sa labas, sabi niya tapos na raw. Sabi ko, sigurado ka? Sabi niya sigurado daw siya. Kaya ayun pinakita ko na ang dumi pa. Then sa loob naman ng house, ewan ko kung anong klaseng mop ang ginagawa niya eh. Pinapasadahan lang ata ng mabilis eh kaya may mga patches pa ng dumi. At marami pang ibang linis kiki!
  • Sa paghiwa ng ingredients. Sayote - nagsample na ako kung paano ang hiwa. Alam niyo ang ginawa, kulang na lang maging kasing nipis ng papel yung hiwa eh. Bawang - nilabas ko na yung mga bawang. Nagulat ako bakit kokonti yung na chop. Sabi yun lang daw ang inilabas ko. Pero hindi naman ako ulyanin and hindi naman ako matipid sa bawang pag nagluluto. So ano ginawa ko? Ininspection ko ang basurahan, ayun nandun sa basurahan ang ibang bawang kasama ang balat ng kalabasa. Chicken Balls - nagdemo na ako sa kanya kung paano maghiwa ng chicken balls. Ang paghiwa is waluhan bawat isa. Nung nakita ko naging small cubes. Sabi ko, di ba waluhan? Sagot niya, opo, waluhan nga po. So sabi ko paano naging waluhan eh ang liliit. Pinagpipilitan na waluhan ang ginawa niya hanggat nagsample ulit ako sa kanya. Ayun, tatawa tawa lang siya.
Actually, marami pang iba. Masyado na hahaba ito at nakakastress lang kapag naaalala ko. My mom even called me halos every day and kinakamusta ang bagong house help...

1st day...

Mama G: O, kamusta ang bago mong kasama?
Me: Ok lang, medyo slow lang.
Mama G: Pagtyagaan mo na lang anak. At least may taga linis linis, hugas hugas at hiwa hiwa ka.

2nd day...

Mama G: O, kamusta na?
Me: Ay Ma, nang bumuhos ata ng IQ ang Panginoon, hindi ata nakasalo eh!
Mama G: Hayaan mo na. Pagtyagaan mo na lang at baka mag-improve.

3rd day...

Mama G: O, kamusta na?
Me: Ang sakit sa ulo ma!
Mama G: Pagtyagaan mo na lang.


So ayun nga, ang sakit talaga sa ulo ng naging new house help namin! Why "naging new house help"? Kasi wala na siya!

Ang weird right? Siya pa ang may gana na umayaw, eh siya na nga ang pinagtyatyagaan. Nagtext sa mom ko yung cousin niya, sabi umayaw na raw yung pinsan niya sa amin. Ano kamo ang rason? All around daw siya!!! Ano kayang all around yun? Hindi naman siya naglalaba at nagplaplantasa! Hindi naman siya nagluluto! Hindi naman siya nag-aalaga ng anak ko! Tapos may pasyal pa siyang kasama. Nung past 3 days, puro alis kami, meaning, nakalibre siya sa mga gawaing bahay plus puro lafang pa!

Kinausap ko. Mahirap daw ang trabaho. Hindi ko naman matanggap kung ano ang mahirap sa trabaho, eh ako nagagawa ko naman plus the fact na nagluluto pa ako, nag-aalaga ng mga anak ko, naghohomeschool ako ng kambal at iba pang work. Tapos yung dati ko namang house help, wala naman reklamo at kayang kaya rin ang work. 

Tapos, maaga naman siya natatapos sa umaga. Kaya tinanong ko, o tapos ka na di ba? Ano sinasabi mo na mahirap at marami trabaho? Ang sagot lang niya is basta ayaw lang niya. O di ba? Sinasabi ko na nga ba na di trabaho ang hanap eh. Kasi kung trabaho ang hanap, kahit anong hirap ng trabaho, kakayanin dapat.

Anyway, wala naman kakong problema sa akin na umalis siya. In fact, ok na ok naman sa akin dahil sakit nga lang siya sa ulo for me. Sabi ko, basta may pambayad siya sa akin, kahit kinabukasan umalis na siya. Pero kung wala, hanggang katapusan siya para quits na kami. Kinausap niya ang ate niya, nagpapatubos.

This afternoon, nung tumawag sa akin ang mom ko...

Mama G: Anak, aalis na raw talaga yung maid mo.
Me: Ok lang. May pambayad na siya?
Mama G: Meron daw, babayaran daw ng ate niya eh. Ano ba ginagawa ngayon?
Me: Natutulog.
Mama G: Tignan mo! Nakakatulog naman. Ano bang mahirap sa trabaho niya? Ang sarap sampalin!

O di ba, pati mommy ko, na-iistress!

Pero sa akin, ok lang, kasi ako rin naman ang makukunsumi eh. Ang importante is naibalik yung nagastos ko sa kanya.

Kayo ba, may mga kasambahay problems din ba kayo???

Monday, April 27, 2015

I Survived!

Officially, I survived having no helper for one week now! 

Whew! 

Officially, kasi last Monday umalis si Je Ann. Pero technically, 9 days na ako walang helper kasi weekend pa lang last week nasa day-off na siya.

Why siya umalis? Mag-aaral daw siya. That's good for her. Sana nga lang na makapag-aral talaga siya kasi sayang naman di ba kung di matuloy?

Para bang may hugot? Well, meron slight. Haha! Medyo meron kasi kaming issue with her eh kaya good timing din na nag-sabi siya na magpapaalam na siya. Medyo mabilis nga lang, pero why prolong the agony di ba? Ika nga ni Spiderman "Good riddance!". Ok na rin yun, at least umalis siya sa amin na ok kami hindi tulad nung dating experience namin sa helper namin before.

So how am I now? Mahirap ba?

Well, it's not actually mahirap... The right term for it is CHALLENGING! Challenging kasi hindi mo alam ang mood ng mga bata. Hindi enough na may routine ka lang at systematic ka. Masisira at masisira talaga yun kasi napaka-unpredictable ng mga bata. Nandiyan yung ayaw matulog. Nandyan yung tipong napakaclingy. Nandyan yung maya't maya hungry sila. At iba iba pa. Kailangan lang talaga, marunong ka mag-adjust at marunong ka magmulti-task.

Ok naman kami so far. Malinis naman ang bahay at nagagawa naman ang mga dapat gampanan. =) I've experienced it na naman before nung nagvacation ng 3 weeks si Je Ann. Mas-mahirap pa nga noon kasi baby pa talaga si Christoff tapos nagpapagawa pa kami ng bahay. Yun yung time na dala ko yung 3 bata every time mamimili ako ng mga materyales at pupunta ako sa site. At least ngayon, kahit papaano yung kambal nauutusan na at medyo nakakatulong sa akin. On the positive note, training na rin sa kambal yun. At least natututo sila sa mga gawaing bahay.

So yan ang one reason kung bakit hindi ako masyadong nakakapagblog now-a-days. Masyado akong BUSY na ina! Hahaha! Ako ay all-around maid ngayon sa bahay (except of course ang laba at plantsa).

Pagpasensyahan niyo na ako ha kung bihira ako makapagsulat ngayon. I need to prioritize things kasi eh. Basta promise, pag may time, magkwekwento ako sa inyo!

See you around guys!

Wednesday, July 02, 2014

I Survived!!!

Whew!

Have you noticed that I haven't blogged that much nowadays? Apart to my usual reasons (home renovation, the boys, the house, etc.), our househelp, Je Ann, had her vacation for 3 weeks. Just imagine me, with 2 toddlers and an infant alone in the house managing our home, buying materials and overseeing the renovation of our new home. I'm happy to say that I survived it! Talagang pineg ko si Darna for the past 3 weeks. Haha!

I'm really happy that Je Ann came back already this afternoon. At least, mababawasan na ako ng load like paglinis ng house, paghiwa-hiwa ng mga cooking ingredients and doing the laundry of Christoff's clothes. Aside from that, may pag-iiwanan na ako ng mga Kulilits. Ang hirap kaya ano! Biruin mo every time pupunta ako sa Wilcon and sa new home namin bitbit ko yung tatlong anakis ko. Sabi nga ng secretary ng mommy ko para akong inahin na may mga sisiw na sunod ng sunod sa akin. Hahaha.

Pero in fairness ha, ang babait talaga ng mga anak ko. At an early age, they can follow instructions and they can also take care of their baby brother. Nakakabilib talaga. Hindi nila pinasakit ang ulo ko.

Hopefully, I can blog a lot na. Hopefully...

Wednesday, August 07, 2013

I Shall Return

Guess what?

Si Je Ann, nag-aala "Gen. Douglas Mac Arthur"... Uma- I shall return ang loka. Hehe!

Ganito kasi yan, Rizza, my mom's kasambahay went to our house to bring some goodies from Mama G. Then she told me that Je Ann called her up and told her that she wanted to go back to us because hindi na siya natuloy sa Iloilo. I asked Rizza kung bakit hindi niya ako tinext or call. Nahihiya raw si Je Ann. I told her to tell Je Ann to ask me personally if she can come back to us.

Kaya ayun, Je Ann called me at home. I talked to Je Ann. I told her that I will accept her as long as she promise me na pang long term na siya sa amin and hindi na magbabago yung isip niya. I told her na hindi siya puwede umalis hanggang hindi ako nanganganak and few months after I gave birth. Then, tinanong ko siya ng ilang beses kung final na yung decision niya. Opo ang sagot niya. Kaya ayun, pinayagan ko na siya bumalik dito. She'll start again tomorrow. =)

Hay salamat naman di ba? Hindi na ako mamromroblema sa paghahanap ng maid. At least kahit papaano sigurado na ako sa bata na yan. Sabi ko nga eh, ok lang naman sa akin na malakas lumafang as long as masipag, close sa mga Kulilits, hindi malikot ang kamay at hindi lumalaban sa amo. Mahirap na kaya ngayon makahanap ng matinong katulong. Tapos sa situation ko pa na medyo malapit lapit na ang due date di ba?

Kaya naman si hubby, nakaligtas na naman ang kanyang mga kamay sa mga hugasin. Sakto naman dahil by the time na tapos na ang quarantine period niya, nakabalik na si Je Ann. Hehe!

Tuesday, July 23, 2013

We'll be Maid-less Again...

Guess what? Our maid talked to me this morning. Nagpapaalam na siya. She'll be leaving us na raw. =( 

Kinukuha na kasi siya ng kuya niya sa Iloilo. Dun na raw siya magwowork para magkasama sila and para mas-malapit sa house nila which is in Bacolod.

Haaayyysssttt... Hubby's "Don" life will be over. Hehehehe. Ako ok lang naman. Ako pa rin naman ang nagluluto and nag-aasikaso sa mga Kulilits eh. Ang naalis lang sa akin na work is yung paglinis ng bahay at paghiwa hiwa ng mga ingredients para sa pagluto.

Anyway, nandiyan na yan. Nothing is permanent naman di ba? Think positive na lang! At least, maka-save ako sa mga expenses - maid's salary, food, utilities, etc. Aside from that, our privacy at home will be back. Lam niyo yun, yung tipong kahit magpalakad lakad ka sa house na naka-undies lang o di kaya hindi mo na kailangan mag-lock ng CR. Hehe. =)

So sa amin ni hubby, good luck na lang! Nagawa na namin for more than 6 months with the Kulilits, alam kong kaya namin ito!!!