Ads

Showing posts with label Christina Reine. Show all posts
Showing posts with label Christina Reine. Show all posts

Monday, June 26, 2017

Late Night Panic

Last night, nagpanic kami ni hubby dahil kay Ina. You won't believe kung ano ang nagyari!

Here is the kwento:

While I'm doing some paper works, Ian and Chris suddenly went out of the bedroom shouting at the top of their lungs...

Ian and Chris: MOMMY!!! HURRY!!! INA!!!
Me: Why? What happened?
Ian: Ina, got stuck.
Me: Where?
Chris: At the bed!

I rushed to the bedroom and saw Ina dun sa bandang headboard ng bed. She got stuck in between the wooden and metal part ng base ng bed.

I tried pulling her out, pero hindi kaya. Feeling ko mapuputol in half yung katawan ng anak ko dahil sa liit ng gap. I hurriedly called hubby (who is taking a bath) and told him to help me. Pati siya nagpanic na. Nagtapis lang sabay takbo kay Ina. He tried widening the gap so I can pull Ina out, pero wala pa rin.

I told him na kailangan namin kalasin yung bed. So dali dali siyang tumakbo sa garage to get some wrench sa car niya. Habang kinakalas ni hubby ang bed, nasa tabi lang ako ni Ina at kinakalma siya kasi nagpapanic na rin dahil nga na-stuck siya. Finally, nakalas na ang bed at natanggal ko si Ina.

I hugged Ina tightly and checked if na-injure yung bandang belly niya. Thank God, walang injury. Sabi ko sa anak ko, "Anak, ano ba yan? Kaisa isa ka lang na babae namin, huwag ka naman ganyan!"

Haaayyysssttt... Ewan ko ba at kung ano ang naisipan ng anak ko at isiniksik ang sarili sa gap na yun. Hindi ko talaga ma-imagine kung paano siya nagkasya dun. Buti na lang at nasa bahay si hubby, na-heart attack na siguro ako kung ako lang mag-isa.

Pero alam niyo ba, hindi lang first time na-stuck si Ina. May isang incident na na-stuck din siya, pero yung legs lang. Ipinasok dun sa gap ng foot board. Matagal tagal ko rin na-figure out kung paano alisin yung legs niya nun at kung hindi, kailangan ko lagariin yung wood since hindi nakakalas yung part na yun.

Si Ina talaga... Hindi ko alam kung bakit sobrang likot ng anak ko na yan. Kung sino pa ang babae, siya pa ang sobrang likot. Take note, talo niya ang 3 kuya niya sa kalikutan at katapangan.

O siya, tutulog na ako. =)

Thursday, May 25, 2017

Wiwi Problem

Hello guys! I'm here again. As much as I wanted to write and write blog entries, hindi ko na magawa. Hindi na talaga kaya ng powers ko eh. Kung makakasingit, I'll try my best to write something. =)

Anyway, I have a problem right now. It's about Ina, my only girl and youngest child. The problem is she is imitating her brothers in peeing! As in if she goes to the CR, she'll put up the toilet seat and stand in front of the toilet and pretend to pee. Parang lalaki lang!

Then, when I try to let her pee by sitting on the toilet seat, pumapalag. Kailangan talaga ng matinding pakiusapan and explanation na she is a girl and she needs to pee that way. And take note, I demonstrate to her pa how to pee. Hahaha!

So ngayon, binilinan ko na ang mga kuya niya to always close the CR door when they pee and not to show Ina how they pee. Haaayyyssttt... Monkey see and monkey do nga naman...

For you moms there who has an only girl, do you or did you experience this also? How do you go about it? Please share naman. =)

Saturday, March 04, 2017

Ransacked!!!

I have two toddlers now in the house - Ina and Christoff! You can't just imagine the trouble these two make when they are together. As in grabe!

Totoo pala the saying na you should be wary whenever your kids are quiet. Quiet, meaning yung tipong hindi mo naririnig na naghaharutan or bigla na lang huminto ang pag-iingay. It means pala na may ginagawa nang kababalaghan.

Like one night, while I was busy preparing dinner, one of the twins went to me and told me that something terrible happened. When I went to our room, this is what I saw...




OMG talaga! Nilabas yung mga damit sa cabinet namin! Minsan talaga feeling ko matatanggalan na ako ng turnilyo sa ulo eh. Hahaha!

Wednesday, May 18, 2016

Ina's First to Six Month Birthday Celebrations

Halu!!! I'm back!!! Grabe ha, last time pala ako nakapagblog is January pa! Ganun pala talaga ako ka-busy... Sa ka-busy-han ko, di ko man lang napansin na malapit na pala mangalahati ang taon. Haaayyysttt... O kay bilis ng oras...

Speaking of mabilis ang oras, ang bebe girl ko mag-seseven months na sa 22! 5 months na lang at 1 y/o na siya. Omigosh!!! I need to start preparing na sa kanyang 1st birthday! Hala!

Since missing in action ako ng ilang buwan, I'll share to you the pictures of my unica hija during her monthly birthday celebration. Yes, may monthly pa rin. Kailangan pare pareho silang magkakapatid. Hehehe.

Well, kung si Christoff ay "postponio" dahil laging napopostpone or meron laging aberya sa mga events niya, si Ina naman may pagka "steal the spotlight". Why "steal the spotlight"? Kasi simulat sapul, may kahati na siya sa birthday niya at ako yun! Hehehe! We share the same birthday kasi eh. Sabi nga ng daddy ko, hindi niya raw alam kung matutuwa or maiinis sa akin ang anak ko in the future dahil ginawa kong pareho ang birthday namin. Imbis na sa kanya lang ang spotlight, may kahati siya. Binigay niyang example yung cousin ko na same birthday ng lola ko. Laging sine-celebrate yung birthday nila together. And for this year, nataon na debut niya tapos 85th birthday pa ng lola ko which parehong kailangang i-celebrate. Kaya nga niloloko ng mga relatives ko yung cousing ko na pag-iisahin ulit ang birthday celebration nila ng lola ko. Hehehe!

Anyway, ganun na nga, sa loob ng 6 na monthly birthday ng unica hija ko, 1 lang yung nag-celebrate kami na walang kahati. Hehehe!

For her first month, we celebrated it at Causeway Restaurant in Banawe. Sinabay namin dito yung advance birthday celebration ng Lola ko and Tita Ninang ko since wala yung parents ko sa mga birthday nila.




For her second month birthday, blowing of cake and picture picture lang ang naganap since we need to attend a reunion/Christmas celebration ng MMC IM batch ng hubby ko.




Ina's 3rd month naman, we celebrated it at home pero paspasan lang since we need to go somewhere dahil may event na kailangan i-attend si hubby and kasama kami dun.




We celebrated the 4th month birthday of Ina at Las Casas de Acuzar in Bataan. We were there also to celebrate our 10th year wedding anniversary.




Finally, wala nang kahati for the 5th month birthday celebration. We celebrated it at home. =)




And for Ina's 6th month, we celebrated it at The Wholesome Table at Capitol Commons together with the graduation celebration of the twins.




Ano masasabi niyo? Ang tipid di ba? Laging 2 in 1 ang celebration? Cake na lang ang kailangang bilhin! Hahaha!

So that sums up the first six months birthday celebrations of Christina Reine. I hope and pray na may time and energy pa ako to prepare for her next monthly birthday celebrations and of course, sa kanyang first birthday. =)

Thursday, January 14, 2016

Shopping Spree for Christina Reine

Last Sunday, we  went to SM Southmall to buy Christina Reine (Ina) an outfit for her upcoming dedication.


Before I continue my kwento, I'll show you first a picture of hubby baby wearing Ina...







Ang cute nila ano? Slow clap din kay hubby kasi he is very willing to baby wear and wala ka talagang maririnig na reklamo sa kanya. Nakaka-inlove lalo ano? Hehehe.


There... balik na tayo...


Supposedly, dedication outfit lang talaga ang bibilhin namin. And here are Ina's outfit...













BUT... isa pang malaking BUT... biglang nagshopping spree kami for her!!! Paano ba naman, ang daming magagandang clothes for babies. Kung hindi pa ako nakapagpigil, malamang sobrang wasak talaga ang wallet namin.


Knowing me, hindi talaga ako bibili ng wagas eh. Maraming tanong muna lagi sa isipan ko bago bumili eh, like "Kailangan ba talaga?". Pero, may pahintulot ng aking asawa, so gow! Hahaha!


Here is our conversation while we are at SM:


Me: Be, ang gaganda o. Bibilhin ko ba?
Doc Padu: Maganda nga. Pang ilang months?
Me: 12 months
Doc Padu: Sige bilhin mo na, matagal tagal naman magagamit eh.
Me (About to return the items): Ang mahal eh. Huwag na lang...
Doc Padu: Sige na bilhin mo na yan. Matagal naman magagamit ni Ina yan eh.
Me: Sure ka?
Doc Padu: Oo. Para naman may maisuot si Ina kapag umaalis tayo.


O di ba? Yin and yang kami ni hubby. =)


Here are our loots for our unica hija:


Assorted dress...













Ok ba mga designs na napili ko? Parang gusto ko kasi na mala-prinsesa ang magiging mga outfit ni Ina eh. Para babaeng babae. Hehehe! =)


Pambahay clothes...







Some accessories...













Ang kikikay ng accessories ano? Sobrang nakakaaliw yung mga accessories sa SM, yung tipong gusto mo bilhin lahat. =)


Ang hirap pala kapag may baby girl ka na ano? Talagang parang may human doll ka. Ang sarap damitan!


I also bought something for myself and hubby. Wala kasi kaming susuotin na matino sa dedication eh. Alam mo naman kami, we seldom buy clothes and shoes. Bumibili lang talaga kami kapag may occasion or talagang kailangang kailangan na. Aside sa mahirap bumili ng mga clothes for us, we'd rather save na lang the money or spend it for the kids.


Here is the blouse that I bought...







A pair of shoes...







Siyempre, kailangan same hue kami ng suot ni hubby that's why I got him this short-sleeves polo...







I bought the boys new belts na rin. Nakakaawa na kasi yung mga belts nila kasi sobrang luma na.







Lastly, I bought a heavy duty pencil sharpener. Yung tipong pag-nasharpen na yung pencil, pwede nang maging weapon sa sobrang tulis. Hahaha! Kidding aside, I bought this sharpener na kasi nakakadepress yung mga nabibili kong sharpeners dahil ang papangit magtasa. Tipong ubos na yung lapis, hindi pa rin tasa dahil palaging napuputol yung lead.








So that's it! Yan ang pinagkaabalahan namin last weekend. =)

Thursday, October 29, 2015

My Children: Blessing and Gift from God

In the Bible, it is written in Psalm 127:3 that children are a blessing and gift from the Lord. That is really true and I can attest to that! =)

To give you a brief background, my husband and I were having a hard time conceiving during our first few years as a married couple. It came to the point that we had ourselves tested which made us somehow lose our hope of having a child because we found out that I have PCOS (polycystic ovary syndrome) and hubby has a low sperm count.

Then on our fourth year as a married couple, a BIG surprise came. I couldn't believe it that we were already pregnant not only with one but two babies. Alam niyo yun, sobrang nakakaiyak kasi we were only asking for one but God gave us two kaagad unexpectedly because, honestly speaking, we weren't trying anymore. And guess what? They came out on February 1. A perfect gift for our 5th year wedding anniversary.




For our next baby naman, come what may na ang thinking namin because I'm not sure again if I could still conceive kasi nga hirap kami gumawa before. Surprisingly, after 2 years, we became pregnant again. We were really hoping for a baby girl para sana quota na dahil nga tumatanda na kami. But I think God has another plan for us that's why he gave us another boy. And guess what? He came out on December 16. A perfect Christmas gift to us!




For our "last" baby ("last" kasi di pa sure kung last na talaga. LOL!), medyo napaaga kasi ang dating niya. Pangit man pakinggan, siya ay unplanned. Ayaw ko pa sana sundan si Christoff eh kasi wala pang 2 y/o. Iniisip ko kasi na baka di ko siya masyadong matutukan or baka mabale wala ko dahil busy ako sa pag-homeschool sa twins tapos siyempre ang baby alagain din. Pero siyempre, sino naman ako para magreklamo di ba? Ang baby blessing yan. Malay natin, maging future president yan o di kaya ang maging suwerte sa buhay namin. Anyway, our last baby is finally a girl. Katuparan din ng wish namin mag-asawa. And guess what? She came out on October 22. Of course, a perfect birthday gift for me. And hindi lang yun, magkabirthday pa kami!




Di ba ang ganda ng mga birthday nila? Laging may special occasion na katapat. =)

Tuesday, August 18, 2015

My Prenatal Checkup and 3D/4D Ultrasound of Christina Reine

Yesterday, I went to my OBG for my prenatal checkup. I'm 30 weeks already!!! Ambilis ano? 2 months na lang at lalabas na ang prinsesa namin! =)

From my last checkup, medyo nasabihan ako ng OBG ko na maliit ang baby kaya she advised me to eat and rest more (you can find my blog post HERE). At dahil masunurin ako, sinunod ko ang aking OBG. Yun nga lang, medyo nasobrahan ata. Si extremes kasi ako eh! Hahaha! Kaya in 3 weeks time... I GAINED 8 POUNDS!!! OMG talaga!

Eh paano ba naman di ba? Sunod sunod ang bakasyon. Eh alam niyo naman kami ni hubby, VACATION = FOOD TRIP!!! Plus yung mga event pa ni hubby na we stay at a hotel. Eh kapag nasa hotel, wala ring ginagawa tapos dadalhan ka pa sa room mo ng maraming food plus buffet breakfast pa kinabukasan. Haaayyyssstttt talaga! Kaya ayan tuloy, medyo ang hirap lumakad lakad at yumuko yuko ngayon dahil ang bigat ko na. Huhuhu!

Anyhow, at least lumaki na si baby! Yun naman ang importante. Kaso nga lang, honest din si OBG ko...

Me: Doktora, ok na po ba ang baby? Lumaki na po ba? Tama na po ba ang laki?
OBG: Oo lumaki na... Lalo na ang mommy!

O di ba? Super sa honest si doktora. Hehehe!

After my checkup, we went to Festival mall to eat lunch first then we went to OGUSCA afterwards for Christina Reine's 3D/4D Ultrasound.

Mandatory and 3D/4D Ultrasound eh para lahat ng mga kiddos meron. Para fair daw sabi ni hubby! Ipapacongenital ultrasound din sana namin si Christina Reine kasi yung mga kapatid niya dumaan din lahat dun before and para sure kami sa health niya. Yun nga lang, di na advisable since 30 weeks pregnant na ako. May mga hindi na raw makikita since malaki na ang baby. Pero based naman sa 3D/4D ultrasound, appears normal naman lahat ng fetal anatomic survey niya.

May pagkasuplada and shy type ata ang prinsesa namin. Di masyadong nagpakita eh. Panay takip ng mukha niya, kaya konti lang yung pictures na nakuha sa kanya.

I actually shared it na sa IG ko yung ultrasound pictures ni Christina Reine, pero share ko na rin ulit sa inyo...






Ano kaya talaga ang itsura niya ano? Sino kaya ang kamukha ngayon? Na-eexcite na ako to meet my princess!

Alam niyo ba? Nanigurado talaga kami ni hubby na pepe na siya. Kasi naman eh, niloloko kami ng OBG ko nung last ultrasound ko. Pero, eto na, confirmed na confirmed na talaga...




That's all for today guys! Goodnight everyone!!! =)