Ads

Showing posts with label Movie. Show all posts
Showing posts with label Movie. Show all posts

Monday, June 17, 2013

Independence Day Movie & Malling

We had a blast last Independence Day dahil nagkaroon ng saysay ang aming holiday. We were invited kasi by Aspen to watch Man of Steel at Powerplant Cinema. As usual, kompleto ang familia Padua.




Special ang panunuod namin ng movie na ito dahil first time ng mga kulilits to watch a movie in big screen. Nakakaaliw nga sila eh kasi marunong na talagang manuod ng movie. As in walang kurap ang mga mata. Sobrang focused sa panunuod.

We really enjoyed the movie lalo na yung mga kulilits. Wala nang ibang binanggit pagkalabas namin ng sinehan kundi Superman. Take note, may matching action pa yun ha.

After the movie, napansin ko ang sandals ko na ready to retire na. Biglang nagtuklapan! Eh diyahe naman mag-ikot around Powerplant Mall na ganun ang suot ko kaya I decided to buy a new pair na lang to replace it.

Then I saw this poster at Payless...




Buy 2 take 1 ang mga shoes nila. Eh need ko rin bumili ng new work shoes for hubby, kaya gora na ako!

Here are the shoes that I bought:

Peep toe flats since I'm preggy...


P995.00


New sandals...


P995.00


Hubby's new work shoes...


P1,650.00


After buying shoes, we went around the mall. Window shopping lang kami. Then we saw a display of Jeep vehicles kaya picture picture muna ang mga boys...




Nagyaya na rin ako kaagad umuwi kasi gusto ko makapagpahinga ng maaga and may work pa si hubby kinabukasan.

So yun lang ang happenings namin last Independence Day. How about you, how did you spend your holiday?

Saturday, April 13, 2013

I Heart Lloydie!!!

Finally, napanood na namin ang new movie ni John Lloyd and Sarah G na It Takes a Man and a Woman! Hahaha! Kami na ni hubby ang baduy! Buti na lang love na love ako ni hubby at pumayag siyang yun ang panuorin namin. Last na movie kaya na napanood namin is yung Les Miserables pa. Yes, ganun na katagal since the last time we watched a movie. Lagi kasing busy sa work si hubby and wala kaming mapag-iiwanan kay kambal. Buti na lang si Mama G, game na panoorin namin ni hubby yun at nag-volunteer na magbaby sit sa mga kulilits.

By the way, may ganitong messaging pa kami ni hubby yesterday...

Me: Be, agahan mo po uwi please. Lab u! Date tayo. Hehehe.
Doc Padu: Uy lab na ako uli bebe ko! Yeba! Saan po? Paano boys? Lab u!
Me: Kay mommy. Watch tayo John Lloyd sa ATC. Hehehe. Lab u!
Doc Padu: :D :D :D :D :D :D
Me: Hahaha! Plweeeesss...
Doc Padu: :( :( :( :| :| :| :( :( :(
Me: Ay ganun? Hmf!
Doc Padu: Sige po nuod tyo bebe, lab u!
Me: Ok. Thank u! Lab u!
Doc Padu: Anything for my bebe... Die hard John Lloyd fan! :P Lab u!

Talaga naman di ba si hubby. May nalalaman pang die hard John Lloyd fan ako. As if naman siya hindi. Eh, pinagpipilitan nga niya na look-a-like niya si Lloydie. Hahaha! Tandang tanda ko pa ang pinost niya na picture sa Facebook ages ago at eto yun...


Doc Padu vs Lloydie


San ka pa di ba?

Anyway, naglast full show kami yesterday since sabi ni mommy dapat patulugin ko muna ang mga kulilits. Unfortunately, 10:00pm na at ayaw pang matulog. Kaya ayun, tinakasan ko na lang. Hahaha!

Maganda naman ang movie for me. May iyakan, katatawanan at kakiligan. One thing that never failed me at yun ang SMILE ni Lloydie. Hahaha! Pogi talaga! Sorry ha, nagpapakatotoo lang, gwapong gwapo lang talaga ako sa kanya. Di ba nga nabanggit ko before na isa siya sa mga pinag-lihian ko nung nagbubuntis ako. Hehehe.

After the movie, may small conversation kami ni hubby...

Me: Be, ang gwapo talaga ni John Lloyd ano?
Doc Padu: Siyempre! (sabay turo sa mukha niya)
Me: Ang kapal mo!

So, sino ngayon ang die hard fan ni John Lloyd?!?

Saturday, January 26, 2013

Movie Date with Hubby plus J.Co Donuts Kwento

Finally, I had a day off from the kulilits. Buti na lang at pumayag si Mama G na magbaby sit sa kanila yesterday.

Hubby and I went to ATC to watch Les Miserables. Hindi ko na nga matandaan when was the last time we watched a movie together sa sobrang tagal na. Since eto ang first date namin ni hubby for the year na kaming dalawa lang (Oo na, kami na ang boring na mag-asawa! Hehehe!), medyo nag-ayos ako para naman mafeel ni hubby na special pa rin siya sa akin (Asusus!). Eto ang aking get-up kahapon...




Pormal pormalan lang di ba? Hahaha! In fairness, natuwa naman si hubby. May comment pa nga siya na "Talagang date tayo ha!". Hehehe.

We arrived at ATC at around 8:30pm. 10:30pm pa ang screening so lakad lakad muna kami sa mall. Magshop sana ako ng clothes kaso tinamaan na naman ako ng kakuriputs. Nagsukat na ako eh, kaso bigla na naman sumagi ang mga tanong sa aking isipan: "Kailangan ko ba talaga ito?" at "Ikamamatatay ko ba kapag hindi ko ito nabili?". Well, yan ang isang natutunan ko sa sa original na kuripot na si Papa G. Hahaha!

Niyaya ko na lang si hubby na magsnack. So we went to the new wing of ATC and bought some milk tea at Gong Cha. Bad trip nga eh kasi wala nang pearls. Kainis lang! Ang bilis ko tuloy naubos yung drink ko. Since ubos na yung drink ko at wala na akong magawa, bigla kong naalala na may J.CO Donuts doon. Dali dali kong hinatak si hubby para bumili ng doughnuts.

Nung nasa pila na kami biglang bumulong si guard: "Ma'am, inform ko lang po kayo na yan na lang po ang doughnuts namin, baka po hindi na kayo makaabot." At dahil ako ay isang optimistic na tao, hindi pa rin ako umalis sa pila at nagbakasakali pa rin akong makabili. Huwag ka, habang nasa pila kami ni hubby, ako'y nagmamatyag maigi sa mga bumibili ng dose dosenang doughnuts sabay dasal na "Sana makaabot...sana makaabot...sana makaabot..."

And this is the best part... Nung turn ko na, 6 pieces na lang na doughnut ang natitira. Sinabi ko na sa staff na kukunin ko na then yung naunang girl sa pila sabay sabing "gawin mo nang one dozen". Para talaga akong pinagsakluban ng langit at lupa kaya naglakas loob akong makiusap sa girl na "Miss, sa akin na lang yan please..." Buti na lang at pumayag siya. Ang ginawa na lang niya is one dozen pa rin ang binili para masmakamura at nagshare na lang kami. Good thing din naman at nakatipid ako kahit papaano. Instead na P230.00 ang binayaran ko for half dozen of doughnuts, P175.00 na lang. Yun nga lang 2 flavors lang ang nabili ko - 1 Alcapone and 5 Why Nut.

Hindi pa diyan nagtatapos ang kuwento sa lintyak na donut na yan... Habang nakaupo ako sa seats outside the store, napalingon ako sa likod. Nginitian ako ng isang grupo ng tao at sabay ngiti rin ako sa kanila. Di ko alam kung bakit pero feeling ko nakita nila ako sa pagbili ko ng doughnuts. Hahaha! Then lo and behold, nakita ko ang kaho kahong doughnuts nila sa table and since makapal ang fes ko, sabay senyas sa kanila "Puwede bang makipagpalit ng flavor?". Hindi nila ako masyadong naintindihan kaya binitbit ko yung nabili kong doughnuts and I told them upfront na "Ok lang po ba makipagpalit ng flavor kasi eto na lang ang natira sa amin eh. Kayo na po ang bahala kung ano ang ipapalit niyo." Buti naman at gumana ang charms ko at pumayag silang makipagpalit sabay sabi "O ayan ha, makakatulog ka na!" Ang kulit lang ano? Tapos ang nakakatawa pa dun, di ko napansin na iniwan ni hubby ang iPad and cellphone niya sa table namin. Buti napansin ng grupo at pinakuha muna sa akin. Naalaska pa nga ako eh "Hay naku miss, baka madampot yung gamit niyo dahil lang sa dougnuts..."

So ayan ang kuwento sa J.Co donuts. Nakakahiya talaga! Pero bilib pa rin sa akin si hubby dahil sa taglay na lakas ng loob ko (a.k.a. kakapalan ng fes).

After that, we went na to the cinema to watch the movie. Ang haba ng movie pero sulit naman. Alam niyo yun, damang dama mo habang pinapanood mo? After the movie, parang gusto ko ngang pumalakpak eh. Naghihintay lang ako ng may papalakpak kaso wala. Pang-live musical lang ata applicable ang applause with standing ovation eh.

So there, we arrived home almost 2:00am na. Happy kami ni hubby kasi ngayon lang kami nagka-quality time na walang mga asungot. Kailang kaya mauulit ito? Sana next week ulit!

Happy weekend guys!!! =)





Tuesday, August 28, 2012

The Mistress

Jologs kung jologs! Pero I like John Lloyd Cruz and Bea Alonzo's love team. Hahaha. In fact, nung nagbubuntis ako, aside from the kalihim bread silang dalawa ang pinaglilihian ko. Eh now, may new movie sila and I can't wait to watch it. September 12 na ang showing. Kinontrata ko na si hubby and pumayag na siya.

Me: Be, may new movie si John Lloyd and Bea, The Mistress po, panuorin natin ha.
Doc Padu: Sige
Me: Ay, ok lang kung ako na lang ang manunuod since hindi  kita sinamahan nung nanuod ka ng The Dark Knight and Bourne Legacy.
Doc Padu: Ano ka? Sasama ako sa iyo!
Me: Ay oo nga pala. Die hard fan ka nga rin pala ni John Lloyd and Bea. Hahaha.

Oh di ba? Go na go rin si hubby. Anyway, I watched the full trailer sa YouTube. Nagulat ako kay Bea. Siya pala ang mistress and may scene dun na medyo nashock ako. Now ko lang narealize na mature na ang roles nilang dalawa dito.

If you haven't watch the trailer, here it is...

Tuesday, May 29, 2012

Drive-in Movie Theater

Before, I only see drive-in movie theaters in movies. Now, I already experienced watching in it at Galaxy Drive-In Theater at Ennis, Texas.

All the while, I thought that these drive-in movie theaters exist only before (meaning: bata pa ako or hindi pa ako pinapanganak). Yun pala they still do exist! Kaya when my brother told us about it, my reaction is "Mayroon pa pala nun!".

Eto ang aking perception sa drive-in movie theaters before:

Photo Source: midatlanticnostalgiaconvention.com

We watched a back to back movie there. The movies are "The Avengers" and "21st Jump Street". But...But...But...we didn't finish watching "21st Jump Street". I will not just go into details. Bad experience kasi eh.

The entrance of Galaxy Drive-In looks like this:

Photo Source: www.flickr.com/photos/traveller2020/3006366734/
Di ba, it's like a regular movie house na maraming theaters? The difference lang is outdoor siya and pwede ka manood inside the car.

And siyempre, I took photos of our experience.

Outside the car

While watching in the car
 
Other drive-in cinema theaters at Galaxy

We watched inside the car kasi super lamig outside. Nakatune-in kami sa movie para sa sounds. Buti na lang maganda ang sound system ng car ng brother ko kaya parang nasa movie house na rin kami.

So that's it! Thanks to my litter brother, Ramon Jr., for this experience!