photosource |
In one of my previous post, I mentioned na nagtampo sa akin si hubby dahil parang ayaw ko siyang payagan na manuod ng Aerosmith concert. My reasons are (1) Cost dahil I'm sure mahal yun, (2) Date dahil pumapatak na Wednesday and may pasok kinabukasan and (3) Time dahil late na naman makakauwi si hubby and hindi na naman niya makikitang gising ang mga kulilits.
Since labs ko si hubby, I'm taking it in consideration dahil minsan lang naman yun. Pero yesterday lumabas na ang ticket prices. And tama ako, ang MAHAL nga ng ticket prices!!! Nakakawindang!!!
LOWER BOX A (201-202/221-222 | ROWS A-E OF 203-208/215-220) | Reserved Seats | Php 20,000 |
PATRON VIP | Reserved Seats | Php 20,000 |
VIP STANDING | Standing | Php 15,500 |
LOWER BOX B (ROWS F-J OF 203-208/215-220) | Reserved Seats | Php 15,500 |
LOWER BOX C (11TH ROW ONWARDS OF 203-208/215-220) | Reserved Seats | Php 12,500 |
UPPER BOX | Reserved Seats | Php 5,700 |
GENERAL ADMISSION | Reserved Seats | Php 2,600 |
O di ba, P2,600.00 ang pinakamura! Minessage ko siya kaagad ng ticket prices and sabay sabing pwede na raw siya sa general admission. Haaaysssttt talaga si hubby, basta gusto niya, go lang ng go. Since mautak ako, may mga conditions siyang dapat mameet. I told him na idodocument ko sa blog ko yung mga conditions na ito para talagang may kasunduan kami.
For general admission:
- He should go home not later than 7:00pm. May mga exemptions siyempre. That is kung may irourounds siyang patients na outside sa clinic route niya for a particular day.
- He should present me the initial draft of his research paper on or before March 31, 2013. Ang tagal na kasi nito eh and I'm pushing him to do it para makapag sub-specialty na siya. Yun na lang kasi ang kulang para umusad ang kanyang karera eh.
After stating these conditions, humirit ang lolo niyo. Dapat daw hindi bababa sa Lower Box yung ticket kapag nameet niya yun. Hindi ako pumayag. Sabi ko papayag lang ako kapag nameet niya ang 3rd condition ko which is dapat maglose siya ng 10 lbs hanggang March 31. Kailangan din kasi niyang magpapayat and I'm forcing him. Hahaha! Pumayag naman siya. In fact, nag weigh in na kami kaninang umaga.
Ang dami kong kondisyones ano? Para bang sinabi ko na wag na siyang pumunta. Hahaha! Pero if he really wants to, magagawa naman niya yun kasi attainable naman mga conditions ko. Nasa will power na lang niya yun. Pero yung lower box na ticket, mukhang alanganin na niyang mameet kasi ang sarap pa rin niyang kumain eh. Hahaha! Well, let's see na lang dahil may 22 days pa naman siya eh.
No comments:
Post a Comment