Anyway, alam niyo ba, si hubby naglose na ng 2 pounds??? Ang daya nga eh kasi napaka-effortless ng weight loss niya. He's just taking Life Enzymes plus bawas lang na rice sa baon niya. That's it! Naglose na siya ng 2 pounds in one week. Ang daya talaga! Samantalang ako, mega effort ako sa pag-eexercise and diet plus pag-aalaga pa sa mga kulilits pero pahirapan ang paglose ng pounds.
Haaayysssttt... May mga tao talagang kayang pumayat ng walang exercise ano? Yung iba nga nag-no no rice lang, no carbs or after 6:00pm diet, pumapayat. Pero sa akin, hindi talaga uubra yang mga diet diet na yan not unless sasamahan ko ng exercise.
Pero wait!!! Kailangan na ba akong mangamba??? Mukhang mapapasubo yata ako ha. Remember, may deal kami ni hubby sa pag-nuod niya ng Aerosmith The Global Warming World Tour na papayag ako na mag Lower Box ticket siya kapag naglose siya ng at least 10 pounds until March 31? Hala, baka magawa ng lolo niyo ha. Sayang ang almost P10K since P2,600 lang yung general admission ticket. Pero tignan natin, may 16 days pa naman eh.
Sa misyon ko naman sa pagpapapayat, hindi ko alam kung malulungkot ako or masasayahan ako eh. Masaya ako kasi naglose ako ng 2 pounds since last weight update ko last March 4. So from 198 lbs, 196 lbs na ako. Ang bigat ko pa rin ano? Nakakalula sa bigat! Hahaha. Malungkot ako kasi, 2 lbs lang ang nalose ko considering na sinasamahan ko ng exercise ang diet ko. Sino naman ang hindi malulungkot di ba? Si hubby, effortless nag lose ng 2 lbs in one week samantalang ako 2 lbs din in 10 days with exercise pang kasama. Anyway, sana sa inches na lang ako bumawi. Nafeefeel ko naman na lumiliit ako in terms of body measurements eh kahit na mabagal ang paglose ko ng weight.
So ayan lang muna for now guys... Bye!!!
Nakakainspire naman yan sis. Ako din, will make a blog entry about my weight and losing weight. After I stopped going to the boxing gym, gain na naman ako weight.. Wala talaga ako control minsan.. Kailangan talaga ng mindset dito.. Haha.. Goodluck sakin..
ReplyDeleteIt's good you're losing weight.. mabuti nang nababawasan kesa nadadagdagan..
how's snr pala? madami padin tao? or ubos na ba karamihan ng items? parang konti ata "daw" kasi mga tao this march sale..
Thanks sis! That's good, sige blog mo rin kasi mas mafoforce kang magpapayat dahil feeling mo maraming sumusubaybay. Hehehe. You want meet tayo sa Southmall this weekend sabay tayo magjog? Gusto ko rin makagain ng friends eh. Siyempre iba pag nasa house ka lang, limited ang nakakasalamuha kasi.
DeleteAbout S&R, magandang timing ang pagpunta namin kasi 3rd day na and patay na oras. Sabi ko kasi sa MIL ko maganda after lunch kasi kapag hapon na malamang dadami tao kasi pay day. So ayun, pagpasok pa lang namin sa parking nakapark kaagad and di na mahaba ang pila for the carts and konti pa lang tao. Nung nasa pila na kami sa counter mga bandang 6pm, dun dumami ang tao and umabot na hanggang sa labas ang parking. Sakto lang napamili ko. I didn't buy that much naman, yung kailangan lang talaga namin. I'll blog na lang about it tom. Hehe.