Ads

Friday, March 22, 2013

Pasalubong From Lola Es

This afternoon, we had a surprise visit from Lola Es. Buti na lang at nadatnan niya kami dahil nagpreprepare na kami umalis papuntang S&R that time. Ang dami niyang dalang pasalubong for the kulilits! Nakakatuwa nga si MIL eh, laging nakakaalala sa kanyang mga apo. =)

Here are her pasalubong for the kulilits:

New swimwear for their swimming lessons. Sinukat kaagad yan ni kambal. Feel na feel! Balak pa atang yan ang isuot kanina sa S&R dahil nagpapasuot na ng shoes nung suot na nila ito eh. Hehehe.




Their favorite chilled taho. Sobrang addict ang mga kulilits sa taho. Kapag dumadating ang Lola Es nila at may bitbit na paper bag, automatic alam na nilang taho ang laman nun kaya if their Lola asks them what's inside the bag, they'll answer "Taho". Sabi nga ng Lolo M nila nung last na nagkita kami, nagayuma raw ang kambal ng Lola Es nila ng taho dahil panay sama sa Lola Es nila. In short, taho lang daw ang katapat ng kambal. Hehehe.




Langers Cranberry Juice. I still don't know kung magugustuhan ng mga kulilits ito dahil never ko pa silang napatry painumin ng cranberry juice. Hopefully, magustuhan nila para hindi na lang parating Chuckie ang iniinom.




At siyempre kami rin ni Doc Padu may pasalubong. She gave us Salazar ensaymada. Ang sarap nito, hindi masyadong matamis and super lambot ng bread.




Lola Es, thank you po sa mga pasalubong! Huwag po kayong mananawang makaalala sa amin. Hehehe. We love you! Mwah! =)

No comments:

Post a Comment