Since malapit na ang summer, I called Lozada again and inquired. Sa April na raw ang start ng swimming lessons for babies. Kaya yesterday, I went to Elizabeth Seton School to enroll the kulilits to Lozada's Baby and Me program. 8 sessions na tig 30 minutes each session yun and it costs P5,500.00 for each baby.
I also checked the pool where the swimming lessons will be conducted...
Ang mga kulilits, when they saw the pool...
Ian: Swimming!
Chris: Remove clothes please...
Me: Not now babies, we will buy swimming trunks for you first.
Ian & Chris: Swimming! Swimming! Swimming!
O di ba, excited much ang kambalistik. Well, kahit ako excited much na rin for them eh. Siyempre ang pinaka-excited sa lahat ay ang mga lolos and lolas...
Scenario 1: Last Sunday with my in-laws
Me: Dad, eenroll ko na po ang kambal sa swimming lessons.
Lolo M: Talaga! Kailan naman yun?
Me: Sa April po. Sabi ko nga po kay mama siya na lang ang sumama sa akin kasi kailangan may kasamang adult yung baby.
Lola Es: Mahirap kasi eh, may pasok ako. Pero pwede ako every Tuesday and Thursday.
Me: Sige po icheck ko ang schedule
Lolo M: Tamang tama yan, by April tapos na ang renovation sa bahay. Pwede na ako. Ako na lang ang sasama!
*Yes! Problem solved na ako. Namromroblema kasi ako kung sino ang isasama ko eh. Si Mama G kasi busy masyado kaya hindi ko mapa-oo.
Scenario 2: At Metro Department Store while searching for the kulilit's new trunks
Lolo M: Dapat terno kami ng mga apo ko!
*Nakakatuwa di ba? Gusto pa ni Lolo M terning terning sila ng mga apo niya.
Scenario 3: While talking to Papa G
Papa G: Ano anak, natanong mo na ba si Sally kung pwede ang anak niya na sumama sa iyo sa swimming lessons ng kambal?
Me: Hindi pa po eh.
Papa G: Sabi ko nga sa mommy mo eh, kung hindi tax season ako na lang ang sasama sa inyo eh.
Me: Wow naman!
Papa G: Siyempre, para sa mga apo ko. Excited naman akodahil matuto nang lumangoy ang mga apo ko. Makakalangoy na kaya sila mag-isa pagkatapos ng swimming lessons?
*Naks si Papa G! Willing di pumasok sa office para sa mga apo niya. Kaso lang wrong timing, kasi Tax season nga naman.
Scenario 4: At Elizabeth Seton School Swimming Pool
Mama G (to the kulilits): Naku mga apo, mauunahan niyo pa ako matuto lumangoy...
*FYI: Si Mama G, nag-attempt matuto lumangoy. Nag-enroll din yan sa Lozada kaso lang di umubra. Hahaha! Peace mommy!
No comments:
Post a Comment