Ads

Wednesday, March 06, 2013

Sunday Dinner at BBQ Chicken & Beer

Last Sunday after our monthly grocery shopping, we ate dinner at BBQ Chicken & Beer. Gabi na kasi kami natapos mag-grocery kaya niyaya ko na lang si hubby kumain sa labas kaysa magluto pa ako ng dinner namin at home.

Nung niyaya ko si hubby kumain, biglang nagbago ang aura ng mukha. Lam niyo naman si Doc Padu, basta kainan, go lang ng go. Hehehe! I told him na punta kami sa Molito, Alabang and try namin yung BBQ Chicken & Beer. Mukhang masarap kasi eh.

The restaurant's facade...




The restaurant's interior...






Guests' comments wall...




Free starters...

I dunno kung ano ito. Para siyang pickled raddish. I didn't bother to try it kaya di ko alam ang lasa.




These are fried noodles. Ayos lang, walang lasa. Hahaha! Pero the kulilits liked it.




We ordered the following:

House Ice Tea. At first parang naghesitate akong inumin kasi kakaiba ang color. Sanay kasi ako sa dark colored iced tea eh. Hehehe! Pero when I tried it, ang sarap niya. Hindi ganung katamis and lemony ang flavor. And ang mura niya ha for a bottomless iced tea.


P 50.00


Col-Pop Chicken (Comfortable and enjoyable popcorn style chicken with high quality breast meat & cold beverage you bring just one hand). I ordered this for the kulilits and naubos naman nila. I think this is more for take out, parang bagay dalhin sa movie house.


P 85.00


Fried Onion Rings (Fresh onion frying use secret battering powder & seasoning. It's fresh & delicious come out with Green Onion fried). Favorite namin ni hubby ang onion rings kaya we always order kapag meron sa menu. For this one, kakaiba ang batter niya. Super sarap and hindi nakakasawa. Kahit nga walang dip, carry na eh.


P 195.00


Paris Chicken (pan fried wings with our special spicy soy sauce and add up peppers to maximize its taste. Our brand new menu for chicken lovers). This is my order and hindi ako nagsisi. Parang Bonchon ang dating niya na less greasy.


P 255.00


Classic Chicken Bulgalbi Set (Korean traditional and popular flavor made with tender meat barbecued well on flame broiler). This is hubby's order. Nasarapan naman siya. According to him, parang salt and pepper chicken lang. I tried it, di ko masyadong type. Medyo nalansahan ako maybe because walang masyadong seasoning kasi.


P 165.00


Overall, satisfied naman kami ni hubby sa food. In fairness, mura siya ha. Di inabot ng P1,000.00 bill namin.

Wait! Baka sabihin niyo nakalimutan ko na ang diet ko ha. Well, hindi naman ako lumamon. 3 pieces lang ng wings ang kinain ko and some onion rings. The rest si hubby na ang tumapos. Hehehe.

Before I end this blog post, here is our souvenir picture (pasensiya na kay Chris at maypagkapilyo yan kaya hindi nakatingin sa camera)...




That's it! Try niyo na rin to eat here...

BBQ Chicken & Beer
Unit 5 Cluster 1 Molito Lifestyle Bldg.
Madrigal Avenue corner Alabang Zapote Rd,
Muntinlupa City

No comments:

Post a Comment