Super init talaga ng panahon ngayon. As in sobra! Hindi nga minsan kaya ng aircon namin eh. Kaya ayan, ang mga kulilits nacoconstipate. Ang hirap pa naman painumin ng water ng mga yan. Mahilig lang yan uminom kapag juice or Chuckie ang pinapainom. Haaayysssttt...
Like this morning. Ang sama ng gising ni Chris. Alam ko na kaagad kung bakit. Kasi it's like 3 days na ata since the last time he pooped. Nakakaawa talaga. Kaya I had no choice kanina kundi bigyan siya ng suppository.
Ayun, after ilang minutes, nag-iiyak na. Hirap na hirap siya ilabas ang dapat ilabas. Pero buti na lang at lumabas na rin at least naginhawaan na siya. Ang aga nga nakatulog kaninang tanghali eh. past 12:00nn pa lang, tulog na.
Good thing at nakabili ako ng cute tumblers from S&R. At least, ginaganahan uminom ng water yung dalawa. Sabi kasi ni hubby, I should keep them hydrated all the time and should give them Yakult everyday.
This afternoon, masaya na ako kasi mukhang well-hydrated na sila dahil okay na consistency ng poop nila. Sana magtuloy tuloy na kasi ang hirap talaga kapag nacoconsitipate eh. Nagiging irritable ang bata.
How about you mommies out there? How do you keep your kids hydrated? Please share naman some tips.
No comments:
Post a Comment