Hello guys! How's your Saturday so far? Mine is great. I woke up early today and I'm done preparing hubby's breakfast before 6:30am. Since hubby will leave the house at 7:30am pa, I told him that I'll jog around SM Southmall muna para maiba naman. Nakakaboring kasi kapag treadmill lang unlike kapag sa labas marami kang nakikita.
Ang tagal na rin since the last time akong nakapagjog sa Southmall. Ang dami na pala nag-eexercise dun ngayon unlike before. Dati isang group lang yung nag-ae-aerobics, ngayon tatlo na. Natawa lang ako kasi may group na pang-oldies, may pang medyo bagets and may pang any age. Anyway, naoverhear ko yung isang instructor, nag-eexplain siya about Tai Chi. May something about yin and yang, positive and negative energy churva. Tapos left hand daw negative which is babae dahil weak and right hand daw is positive which is lalake dahil strong. Kaasar no? Masyadong sexist!!! Hindi kaya ako papayag dahil kung ano kayang gawain ng lalaki ay kaya rin namang gawain ng babae. Basta marami akong contention diyan at baka abutin ako ng siyam siyam sa pagsulat ng blog entry na ito. Hahaha!
I jogged for about an hour. Ang dami kong pawis! Nakakaaliw. Ang sarap talaga ng pakiramdam after mag-exercise ano? Nakakarefresh. I'm proud of myself also today ha kasi wala akong lakad ngayon, purely jogging lang talaga. Sabi ko nga kay hubby "I'm back!" Pwede na ulit ako mag-umpisa sumali sa mga fun runs.
When I arrived home, I cleaned na the house, washed the dishes and prepared na the ingredients that I'll be using to cook our lunch. After doing all of those, since hindi pa gising ang mga kulilits, I took a bath na.
Come 9:30am hindi pa gising ang mga kulilits kaya I went to the room to wake them up para makakain na sila ng breakfast. So ayun, our normal routine na - eat breakfast, drink vitamins, take a bath, brush teeth, play, study and eat lunch.
At around 1:30pm, we went upstairs na for the kulilit's afternoon nap. Buti naman at nakatulog kaagad kaya ayan may time me magblog.
Sana magtuloy tuloy ang ganda ng Sabado ko. O siya, di ko muna papahabain ito kasi I have to prepare na since we'll be going to Church this afternoon. =)
Have a happy weekend!!! =)
No comments:
Post a Comment