So ano ba ang happenings namin kahapon?
First, we went to S&R. Dun namin mineet yung in-laws ko that's why nadiscover ko na may early bird March sale pala ang S&R. Sinamahan na rin namin sila magshop. Kami ni hubby, timpi timpi lang. Deadma sa mga sale items. Lam niyo na, iwas gastos eh! In the end, since miss na miss na ng mga lolo't lola ang kanilang mga apo, napamili sila ng mga snacks and shampoo.
After S&R, we went to Kia Motors at Westgate. Nagtest drive ang hubby ng new Sorento with my FIL. Wala lang, trip trip lang since hindi namin priority ang bumili ng new car. Nainvite lang kasi si hubby na magtest drive eh kaya ayun pinagbigyan yung agent. Kami ng mga kulilits with my MIL, sa loob lang kami ng showroom nanggulo. Ang ginawa ng kambal, sinakyan ang mga display na SUV doon. Nakakatuwa kasi akala nila toys yun. Sabi ni Chris "No battery!" yung carnival kasi hindi nga naman umaandar. Hehehe!
Here are the SUVs inside the showroom...
Kia Carnival |
Kia Sportage |
After Kia Motors, we went to ATC to meet Kuya Bimbo and Ai for lunch. We had lunch at Bulgogi Brothers (I'll have a separate blog post on this). After lunch, we went around Metro Department Store. I'm suppose to buy the kulilits their swim wears there since they'll be taking swimming lessons this April. Unfortunately, wala akong napili. Limited kasi masyado ang selection and kung meron man akong napili, wala naman size na available. My MIL just bought them new slippers. Excited rin kasi ang Lola, yun daw ang gagamitin nila pangswimming. Hehehe.
We went din to Metro Supermarket afterwards. Nag-grocery rin kasi ang mga biyenan ko para sa mga trabahador nila sa bahay. Pero siyempre, na-grocery rin ang mga kulilits. Kaya ayun, well-stocked na naman sila ng Chuckie and Yakult. Sila kasi ang supplier ng kambal ng Chuckie, Yakult and chilled taho. Hehehe...
Di naman halatang Chuckie addict ang mga kulilits ano? Hahaha!
Before we go home, nagyaya muna ang MIL ko mag-early dinner sa Luk Yuen. Light dinner lang kami since medyo busog pa from lunch. We ordered wanton noodles, beef wanton noodles, pork meatballs congee, chicken feet, taro puff and machang. Actually, I did not order na for myself kasi hindi na naman talaga ako nagdidinner. Nakitikim lang ako ng taro puff and machang. For the kulilits, nagtake out na lang ako ng lapu lapu congee since tulog pa sila that time.
After dinner, umuwi na rin kami kaagad since hubby will be doing patient rounds pa.
That's my Sunday! How about you guys, kamusta naman ang Sunday niyo?
No comments:
Post a Comment