We arrived at S&R a little past 9:00am already. Marami rami na ang tao and malapit na rin mapuno ang parking area. Nagcomment nga si Papa G eh. Akala niya wala na raw tao sa last day.
Anyway, ikot ikot na kami sa S&R. Konti lang naman ang pinabili ko kay Papa G. Ayaw ko naman magdadampot ng mga items na di ko naman talaga kailangan. Yung tipong masabi na makapagpabili lang. Beside, I'm not that ganid or tuso naman. May hiya pa rin naman ako kahit papaano sa katawan ko. Lam niyo yun, gusto ko ang dating parang lambing na lang sa daddy ko yun pagshop niya sa akin kasi supposedly dapat ako na ang manlilibre sa kanila.
Most ng mga pinabili ko ay yung mga items lang na namention ko sa previous blog ko...
Clean Ones Disposable Gloves P174.95 (on sale), Citrus Farm Calamansi Concentrate P165.95 (regular price), Mini Frying Pan P349.95 (on sale), Bagels P129.95 each (on sale), Tim Tam P147.95 (on sale), Spinach (regular price). Potatoes (regular price)...
Subzero Insulated Tote Bag P499.95 (B1T1), Double Wall Tumbler P399.95 (B1T1), Jenna Bathrug P299.95 (B1T1)...
And lastly, Philips Alarm Clock Radio P1,289.95 (regular price)...
Yung clock radio, dapat ako na lang ang magbabayad nun. Sabi ko kay daddy I'll pay him. Pero after namin sa cashier, sinabi niya na isama ko na rin yun sa libre niya. Napa-wow nga ako eh kasi galante that time si Papa G. Eto ang conversation namin that time...
At S&R...
Me: Dad, Pxxxx.xx lang ang napamili ko.
Papa G (gulat na gulat): Talaga? Kasama na rin ba yung alarm clock dun?
Me: Hindi po. Babayaran ko yun sa iyo di ba?
Papa G: Dapat sinama mo na.
Me: Thank you!
Hindi pa rin ako makapaniwala na di na sa akin pinabayaran ni daddy yung alarm clock. Kaya while walking sa ATC (yes, nag ATC pa kami after S&R)...
Me: Dad, talaga po bang pati yung alarm clock ililibre mo sa akin?
Papa G: Oo naman. Bakit, hindi ba nasama sa nacharge sa akin?
Me: Nasama, pero di ba nga sabi ko po babayaran ko dapat sa iyo?
Papa G: Nakacharge na sa akin eh, libre ko na rin yun sa iyo.
Me: Wow naman! Bakit naman po naisipan mo yatang pati kami ipagshopping?
Papa G: Namimiss kasi kita eh!
Me: Sabi ko na nga ba eh. Tama ang hinala ko na maiging hindi tayo nagkikita kasi lumalakas ako sa iyo!
Ang galing ko talagang mag-assess ano? Tama nga ang hinala ko kung bakit ganado si Papa G na ishopping ako. Hehehe. Minsan talaga, ang sarap pa rin ng pakiramdam na maging baby ng daddy kahit may asawa na. =)
Kaya daddy, maraming maraming salamat sa pagshopping sa amin! Sana parati mo akong mamimiss. Joke! Hehehe.
No comments:
Post a Comment