Ads

Monday, March 18, 2013

I Thought My Monday Will Be Perfect

I woke up so early today as I've said to my previous post. By the way, alam ko na ang dahilan kung bakit false alarm ang alarm clock. I investigated kanina and yun ay dahil defective ang alarm clock. Bad trip nga eh, kailangan ko pa tuloy bumalik sa S&R para ipapalit ng bago.

Going back...

Super saya ko this morning kasi I'm very productive. Before the kulilits woke up, ang dami kong nagawa:

  • Blogged
  • Cleaned the house
  • Cooked breakfast for hubby and the kulilits
  • Cooked baon for hubby
  • Exercised for almost an hour
  • Walked Pawie
  • Cooked lunch
  • Sorted the clothes due for laundry and
  • Took a bath
Sabi ko, tamang tama dahil sa afternoon, habang nagsiesiesta ang mga kulilits, I'll arrange our newly ironed clothes, will sew some stuff, will pay bills online, will file documents, will prepare our combined income tax return, will clean again the house and will take a bath again. Ang dami ko talagang gustong gawin dahil free na yung time ko dahil nakapag-exercise na ako nung morning. Sobrang naka-mindset na  ako.

At around 1:30pm, sinimulan ko nang patulugin ang mga kulilits. Hala, naghyper ang dalawa. Nilalabanan ang kanilang antok. Samantalang ako, nakatingin lang sa clock at medyo naiinip na dahil gusto ko nang gawin ang mga dapat kong gawin. Around 2:45pm, sa wakas nakatulog na rin si Chris samantalang ang Ian ayun naglalaban pa rin ng antok. At 3:15pm, nakatulog na rin si Ian.

Pumuslit na ako nung nakatulog na ang dalawa. First thing na ginawa ko is I walked Pawie muna outside para umihi. Then, inarrange ko na yung mga newly ironed clothes namin. After that, I sewed the button of hubby's polo (yung ibang dapat tahiin, di ko muna tinahi since hindi pa naman kailangan). Then yung ibang clothes na dapat ilagay sa closet ng room namin dadalhin ko na sa room. Pero, upon entering the room, gising na si Chris. I was surprised dahil 4:00pm pa lang gising na. Usually, 2 hours ang nap time nila eh. So ayun na, I tried na patulugin ulit si Chris pero nagising din si Ian. Haaay... Sobrang nafrustrate ako dahil alam kong wala na akong magagawa dahil gising na sila.

Ayun na nga, nagwelga na kaagad. Hungry na raw sila and they want to go down agad agad. I served them merienda. While they are eating, nakapagwalis and lampaso pa naman ako. It's a must na gawin ko yun para iwas hika dahil Pawie is around na.

After they ate merienda, I was hoping na magconcentrate sila sa paglaro para makapagmulti-task pa rin ako. I tried. Pero to my dismay, they started to cling to me while I'm doing paper works and some stuff sa computer. Ang hirap tuloy makapagconcentrate dahil puro numero ang ginagawa ko. Ewan ko ba sa dalawang yun, every time I'm doing some paper works or working on the computer, hindi ako tinatantanan. Sobra silang papansin! Ang sakit tuloy sa ulo kanina. Don't get me wrong ha, I love to take care of my twins pero nafrufrustrate lang talaga kasi ako kapag hindi nagmamaterialize yung mga plans ko.

So ayun, bandang huli, hindi ko nagawa lahat ang mga gusto kong gawin today. Tomorrow na lang ulit. I'll sleep early na lang and will wake up very early kasi parang mas okay magwork ng umaga. Yung feeling refreshed and ganado ka.

Sana tomorrow, matapos ko na ang ITR namin. Gustong gusto ko na matapos yun para wala na akong iisipin na deadline.

Eto na muna for now. I need to sleep na. Goodnight! =)

No comments:

Post a Comment