Here is the facade of the restaurant. I thought small lang siya na bilihan lang ng milk tea. Pero inside, malaki rin pala. It's a restaurant din kasi eh.
Here is the milk tea preparation area...
Inside, meron din Honeybee Patisserie. Hindi ko napansin yun sa labas. Nung paglabas ko na lang nakita na may maliit pala silang signage din.
Here is the interior of the restaurant. They have a second floor pa.
I checked their menu and ang daming selections. Pero dito lang sa page na ito ako namili.
I ordered large Taro Milk Tea...
and large Royal Milk Tea...
Though medyo pricey siya (kasi yung large size nila medium lang sa iba), masarap naman talaga. Sulit na rin for the price. Creamy siya unlike yung ibang milk tea na parang ang labnaw labnaw. And yung bubbles (pearls) niya, you can choose if you want big, small or combined. I chose small bubbles para pwede kay kambal. In fairnes ha, yung bubbles makunat kunat and manamis namis. Yun lang, wala silang small straw. Nahirapan tuloy ang mga kulilits inumin.
Aside from that, I browsed din yung menu nila, parang ang sarap ng food. Nabanggit ko nga kay mommy and hubby eh. Sabi ko minsan itry namin kumain dun.
I'll definitely go back there!
Tokyo Bubble Tea
Unit 101 Westgate, Cluster J,
Commerce Avenue,
Alabang, Muntinlupa City
No comments:
Post a Comment