Anyway, I decided to go to the day 1 of sale kasi may extrang 10% discount if you are an SMAC (SM Advantage Card) or BDO Rewards card holder if you shop from 10:00am to 12:00nn. Sayang naman yung extra discount kung hindi ko i-aavail di ba?
First time ko pumunta sa sale ng SM para sa promo nila for SMAC and BDO Rewards card holder. Ang masasabi ko lang ay kakaibang experience yun. Parang Black Friday Sale lang sa US ang peg sa dami ng tao at haba ng pila.
Let the pictures do the talking...
Exag sa dami ng tao ano? Masasabi mo bang naghihirap ang mga Pinoy? Imagine, wala pang 11:00am yan ha at ang haba na ng pila sa counter. Ang hirap pa naman at kasama ko ang mga kulilits (no choice kasi eh, wala akong kasambahay eh). Buti na lang at pinasama sa akin ng mom ko si Sally (their labandera) dahil kung hindi, matotodas ako (hindi ako makakapamili at maghahabol lang ako ng maghahabol sa mall).
Si Sally ang pumila sa cashier habang ako naman ay nagbabantay sa mga kulilits. Grabe ang likot ng dalawa. Takbo dito, takbo doon. Nililibang libang ko nga lang para mapirmi eh. Maya maya, may nakitang pushcart at yun ang pinagdiskitahan...
Nagsasampa at pilit na sumasakay. Eh no riding nga for babies and children...
At first, pilit kong ipinipirmi ang cart dahil ayaw ko naman maging pasaway. Nakakahiya naman kasi baka sabihin hindi ako marunong magbasa. Pero ang dalawa ayaw talaga magpaawat. So keber na bawal, hinayaan ko na lang para matigil na. Ayun, enjoy na enjoy sila at napirmi rin sa wakas...
After almost an hour sa pila, nakaraos din kami finally. Since we finished at around 12:00nn already, we went to Kenny Roger's to eat lunch. Sakto lang din kasi na I have Standard Chartered transaction slips wherein I could exchange for solo meals.
Here is our free lunch...
After lunch, we met Mama G at Ricky Reyes para sumabay na pauwi ng house.
Here are my loots that day:
A pair of shoes for hubby...
Briefs...
and a pair of slacks...
Yan lang ang mga binili ko and lahat ay puro kay hubby. And guess what? P611.21 lang ang cash out ko! I have SM gift checks din kasi eh which I got from Standard Chartered promo. Ang galing dahil halos malibre na ang mga pinamili ko ano?
To end this blog entry, eto ang mga narealize and natutunan ko after that little shopping experience:
- Sobrang dami ng tao sa day 1 ng SM sale from 10:00am to 12:00nn dahil maraming gusto maka-avail ng extra 10% discount.
- Sa mga ganyang klaseng sale, you need extra help para may tagapila ka na habang ikaw ay nagshoshop around.
- Days before the sale, window shop ka na para pagdating ng sale alam na kaagad ang bibilhin.
- Mahirap ang magbitbit ng mga batang makukulit.
- Ok ang maging aware sa mga credit card promos para makalibre kahit papaano.
- Arrive earlier para hindi pa ganon karami ang tao. Ang hirap din kasi mamili kapag siksikan eh.
No comments:
Post a Comment