Come late 2010, nung malaki na ang tiyan ko, nagstay na kami with my parents since si hubby on-training pa in cardiology that time. So ayun, sa labas na siya ng house nag-stay. Hindi kasi siya pwede sa loob ng house ng parents ko dahil malaki siyang klaseng dog. Nagtuloy tuloy na yun hanggang pinanganak ko ang mga kulilits.
Kawawa nga eh, kasi in a way natake for granted namin siya since dumating ang mga kulilits. Pero we make it a point na macelebrate pa rin namin ang birthdays niya.
Last December 2012, during his birthday, we tried na isama namin siya with the kulilits. Click naman sila. Hindi niya inaaway ang kambal. As in completely harmless siya. So hubby and I decided na ibalik na namin siya sa house. Naghesitate lang kami kasi ako lang mag-isa sa house at baka mahirapan ako magbantay sa kanila (kulilits and Pawie).
Pero now, since malaki na ang kambal at nakakaintindi na, we brought him back home. Nakakatuwa siya dahil nung kinuha ko siya sa house ng parents ko, nagmamadaling umuwi sa amin. As in hinihila niya ako. Sobrang excited na siyang umuwi.
Pagpasok namin sa loob ng house, ayun na siya nagtatakbo paikot ikot. Halatang excited talaga!
Picture picture playing with the kulilits...
Tignan niyo here, parang nakasmile si Pawie...
I'm so happy that Pawie is back home already. Happy na siya ulit! =)
No comments:
Post a Comment