Ads

Thursday, March 07, 2013

Stressful and Accident Prone Thursday

Very stressful ang araw ko today. Nastress ako sobra kay hubby. Ewan ko ba at may araw na parang inis na inis ako sa kanya. Yung tipong wala naman siyang ginagawa, makita ko lang siya naiimbiyerana ako. Maybe the hormones siguro ano? Kayo ba nakakaexperience kayo ng ganito? Ako lang ba ito?

Anyway, I woke up early kanina since maaga ako nakatulog kagabi. Since ako ang alarm clock ni hubby, I woke him up na rin. Yun na ang umpisa ng stress. Bad trip na kaagad ako sa kanya maybe because nainis ako kagabi kasi parang bata na nagtatampururot nung medyo ayaw ko pagbigyan ang wish niya na manuod ng Aerosmith concert. Tapos nung nagising, the usual him na parang bata na papasok sa school na pahirapan pakilusin. Kaya ayun, para nang armalite ang bibig ko kadadakdak sa kanya para makakilos ng mabilis. Actually, normal na sa amin yun kasi kapag sweet ko siyang sinabihan hindi pa rin siya kikilos ng maayos. Feeling ko kahit 7 years na kaming kasal, hindi pa rin ako nakaka-adjust sa movement niya kasi sa amin sanay ako na parang militar sa bilis ng galaw.

May ganito pa kaming eksena kanina...

Doc Padu: Lahat na lang ng ginagawa ko mali sa paningin mo. Lahat puna. Puna.
Me: Be naman, na-s-stress na ako sa iyo ha. Ayaw ko naman na araw araw sa ginawa ng Diyos ganito tayo palagi. Nahihirapan din ako sa ganito. Ayaw ko naman na ganito ako lagi sa iyo. Para ka kasing estudyante na ayaw pumasok sa school eh. Parang dagdag ka pa sa anak ko eh.
Doc Padu: Eh di ba, ako ang bunso mo?

Natawa na lang ako sa sagot niya eh. Di ko alam kung magagalit ako oh matatawa ako. Ang sa akin lang gusto ko maging aware siya sa kilos niya. Ewan ko ba sobrang complete opposite kami. Sabi nga niya para kaming yin and yang and kailangan yun para may balance.

Ok naman kami nung umalis siya ng house. Sabi sa inyo, normal na talaga na ganyan kami. Di pwede lumipas ang isang araw ng walang petty quarrels.

Accident prone naman ngayong araw na ito dahil ang dami daming nangyari mula kaninang umaga. First, I tried to fix our gas stove's igniter. Ayun naipit ng long nose ang daliri ko...




Sinundan pa ng pagkabasag ko ng glass namin nung kukunin ko yung sandok sa patauban. Buti na lang talaga at McDo glass lang yun.

Come afternoon, while washing Ian, si Chris sumunod sa CR and he's trying to open pala yung toilet cover kung saan ako nakaupo that time. Ayun, naipit ang daliri. Lakas ng iyak niya. Kawawa naman.

Lastly, while eating dinner, tinulak ni Chris si Ian sa chair. Tumama ulo sa floor. Buti na lang at hindi masyadong malakas.

Hindi pa natapos diyan ang ka-stressan ko...

Stressed din ako sa pagprepare ng monthly percentage tax return ni hubby. Paano ba naman yung mga inissue na OR ng mga secretary niya, mali mali. Diyosme talaga! Gusto ko na sana matapos pero di ko matapos tapos dahil ang daming issue.

Then come night time. Medyo maaga si hubby nakauwi so niyaya siya ng mga kulilits maglaro. So yung ayos na toys nila naransack na naman. Nung papatulugin ko na ang mga kulilits, nagbilin ako kay hubby na sana pagbaba ko pagkatulog ng kambal ayos na. Gusto ko kasi pagkababa ko icuddle cuddle si hubby para naman makabawi sa pagsusungit ko sa kanya nung umaga. Pero nung pagbaba ko, nagulat na naman ako sa bumulantang sa akin. Walang nangyari! As usual, nakatulog na naman si hubby habang nanunuod ng TV. In the end, ako pa rin ang gumawa lahat.

Aside from that, nagheart to heart talk pa kami ni hubby. Nabanggit niya kasi sa akin na may hospital na gusto niya rin makapasok which hindi ako pabor. To cut the long story short, pinarealize ko sa kanya kung ano ba talaga ang ultimate goal niya. I told him na magfocus siya maigi.

So ayan ang araw ko ngayon. I hope that tomorrow will be good to me.

Goodnight guys...



2 comments:

  1. Again sis, I feel you! Hahaha. Everyday imbyerna kay hubby.. pero for awhile lang.. hmmm.. petty lang din! Hehehe.. :)

    And, ouch! parang nagtubig yung finger mo? Yikes, masakit yan.. I'm not sure though, what to put para mas madaling magheal eh.. sorry.. Ako kce, I usually let it heal by itself, pag yung ganyang naipit then parang nagtubig.. unless paso cya.. petroleum jelly katapat. Hihi..

    Kids talaga.. malikot.. maharot.. Buti ndi major hampas sa floor head ni Ian.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Ganun ata talaga kapag nagiging too familiar na sa isa't isa eh o minsan sadyang parang part na rin ng lambingan. =)

      Yung sa finger ko, nagkaroon ng small blood clot. Hinayaan ko na lang din.

      Grabe talaga ang likot ng kambal ngayon. Ang daddy kasi nila pinapanuod pa ng Wipe Out yung palabas sa AXN kaya medyo extremes ang gustong laro eh. =)

      Delete