I just want to share the first day of swimming lessons of my kulilits. Actually, this was last April 1 pa and nakaka 6 out of 8 sessions na sila.
Well, during the first day of their swimming lessons, atat na atat nang lumangoy ang mga kulilits kaya when we arrived at the pool area, nagmamadali silang magsuot ng kanilang swimming attire. Eh maaga kami dumating that day, nagwait muna sila patiently with their Lolo Em since hindi pa pwedeng pumasok sa pool...
Lolo Em, Chris & Ian |
Buti na lang at may toy ball kaya medyo nalibang si Chris. Pero makikita niyo sa picture na ito na ang sama ng tingin nila sa pool. Halatang gusto nang sumugod.
Here is the picture of them with one of their classmates...
Chris, Ian & RJ |
Then here are our pictures during the session (thanks to one of Lozada's staff for taking pictures)...
The teacher taught us about the proper entry to the pool. Dapat madiscipline daw ang mga babies na hindi dapat sugod lang ng sugod sa pool.
In the first session, pinafeel din ng teacher ang water sa mga babies. She made the babies at ease with the water. Yung tipong magiging confident sila sa pool. Ang hirap i-explain eh. Basta, at first kasi mararamdaman na may takot pa sila. For example, matindi ang kapit sa adult and malakas ang kabog ng dibdib.
The teacher also taught us how to handle babies sa pool. Dapat ang hawak sa kili kili nila and make sure na hindi nakakainom ng water.
She used toys also sa session para malibang ang mga bata and at the same time to improve their motor skills.
Lolo Em & Chris |
Ian & Me |
We throw the balls and let the babies get it...
Here, we have an activity while singing "The Wheels on the Bus"...
The teacher here teaching the boys to back float...
My boys were assessed also by the teacher. Advance level na raw sila at their age so may mga skills na ituturo na sa kanila. Siyempre, proud kami ni Lolo Em.
Super saya ng swimming lessons ng mga kulilits. Actually, hindi lang ang babies ang enjoy pati rin ang mga adults lalo na if you can already see their progress.
Til here na lang muna. Kwento ko na lang ulit kung ano na ang mga alam nila after ng swimming lessons nila. =)
No comments:
Post a Comment