Ads

Friday, April 05, 2013

Awkward Moments

Share ko lang mga awkward moments ng mga in-laws ko kasi kahit sila natawa na lang din nung mga panahon na yun eh.

Scenario 1: My Brother-in-Law's Surprise Birthday Lunch

Lolo Em: Ayie, bakit wala pa yung parents mo?
Me (whispering): Daddy, Ai po.
Lolo Em (natawa): Ay, Ai pala! Katunog kasi eh!
Lola Es: Bakit?
Me: Natawag kasi ni daddy na Ayie si Ai.
Lola Es: Magkatunog kasi eh. Kahit ako nagkakamali din minsan eh.

*Ang hirap kasi eh kasi magkatunog yung name ng ex GF ng BIL ko and wife niya eh.

Scenario 2: Swimming Lessons

Mommy of kulilit's classmate: Tuloy na kami. Inaantok na si RJ.
Me: Sige, bye! Ingat!
Lola Es: Naku, pagod na rin si Lola.
Me (whispering): Ma, hindi po lola yun. Yun yung mommy ng bata.
Lola Es (natawa): Ay ganun ba? Sorry! Akala ko pareho kaming lola kasi pareho kami pinapapunta dun sa side ng pool kanina eh.
Me: Buti na lang mahina ang boses niyo. Di naman siguro narinig. Bakit po ba ma, mukha bang lola?
Lola Es: Oo eh. Malaki pa nga sa akin eh.
Me (laughing): Kayo talaga ma.

Minsan, natatawa na lang tayo kapag nakaka-experience tayo ng mga awkward moment di ba. Kayo rin ba may mga awkward moments?

No comments:

Post a Comment