Ads

Tuesday, April 16, 2013

Huli Ka Mama G!!!

Mama G is HB! HB, meaning high blood. So, it means to say, ang daming bawal na food "dapat" sa kanya. Yung tipong mga food na pampabata. Pero sa kanya, walang bawal bawal! Lafang lang to her heart's content. Tsk! Tsk! Tsk!

Gaya nung isang araw, huling huli ko siya. Ang sarap ng kain ng talangka! May matching comment pa habang kumakain ng nakakamay: "Ang sarap! Ang sarap talaga!" Kaya sabi ko "Naku ma, mai-blog ka nga. Wait lang kukunin ko phone ko at kukunan kita ng picture."

Dali dali akong umakyat sa room ko to get my phone, pero siya nagmadali ring kumain at naghugas na kaagad ng kamay. Ayaw magkaroon ng pruweba at baka mapagalitan ni Papa G. Hahaha!

Kaya, eto na lang ang picture na mai-shashare ko sa inyo...




Kitang kita na ang taba ng talangka ano? I'm sure ang sarap niyan with the sukang maanghang. Actually, halos naubos niya yung sinaing niyan eh. Hahaha!

Ang mommy ko talaga, basta gusto niya, walang makakapigil sa tigas ng kanyang ulo. Kahit si Papa G napapa-iling na lang minsan.

Bakit nga ba ganun ano? Kung ano ang masarap, yun pa ang bawal...

No comments:

Post a Comment