Last Saturday, at Victory Christian Fellowship, I brought the kulilits again at the Kids Church. This time I tried to leave them and it was successful. Biruin niyo, deadma lang ang kambalistik! Wala man lang akong nakitang separation anxiety sa kanila.
Usually, kapag may problem sa Kids Church nagflaflash sa screen yung name ng kid to signal the parents to go there. Kaya si Mama G, panay abang sa screen at baka magloko daw ang dalawa. In fairness ha, hindi lumabas ang names nila. Hehehe. Nabilib nga si Papa G eh kasi nag-papaiwan na ang kambal which is very unusual for their age (almost 2 years and 3 months).
After the service, sinundo ko na ang kulilits sa Kids Church. Si Ian, naabutan kong karga ng teacher at umiiyak. Nadapa (natulak) raw kasi. Kawawa naman. Pero kids eh, part talaga yan ng kanilang experience. Si Chris naman, I saw him inside singing with the other kids. Nakakaaliw talaga. =)
Anyway, the two showed me their artwork from the Kids Church...
Nakakatuwa di ba? Nakakagawa na sila ng mga artworks. Parang kailan lang at mga babies pa sila na walang ginawa kundi dumede and matulog... Ngayon, ang kukulit at pilyo pa... They are growing too fast!!! Tsk. Tsk. Tsk.
No comments:
Post a Comment