Grabe today ha. Ngarag ang beauty ko (Meron ba? Hahaha). Ang aga kasing nagising ng mga kulilits and saglit lang sila nag afternoon nap. Hindi tuloy ako nakapaligo kanina since I have to finish pa yung mga house chores. Pero ok lang yun para naman sa mga anak ko lahat ng ginagawa ko eh. Lalo pa ngayon proud na proud mommy ako. Bakit kamo? Happy lang ako kasi very good ang Chris ko kanina during our learning session. Si Ian naman, hindi masyado nakapagparticipate kasi he is sick right now kaya wala sa mood. Babawi na lang daw siya next time.
I want to share you a short video of Chris that I captured during our learning session this afternoon...
Ang smart niya no? Less than 2 years old lang sila! =)
No comments:
Post a Comment