Ads

Friday, April 19, 2013

Super Tiring Friday

I'm super tired today. Nasa biyahe kasi kami ng mga kulilits most of the day eh. Take note, I'm by myself lang and thank God at nakayanan ko. Ako na ata si Darna eh. Hahaha.

Before lunch, we went to Makati. I went to our bank kasi to get some stuff. Buti na lang at gamit namin ang Navara ng mom ko. May TV kasi yun so nagdala ako ng Blues Clues DVD. Super behave ang mga kulilits, nagwatch lang sila ng DVD all throughout our biyahe.

Pagdating sa bank, ayun pinagkaguluhan na ng mga teller. Mananakaw talaga ang dalawa dahil kahit kanino sumasama. Aliw na aliw ang mga teller dahil ang cu-cute daw ng dalawa at super magkamukha.

After going to the bank, we went to my dad's office to get some water. Wala  na kasing water sa house ng parents ko eh. Anyway, nanggulo lang ang kulilits sa office ng dad ko. Di tinantanan yung room ng dad ko, pasok daw sila doon. Ang talas ng mga mata, nakita ang car collection ni Papa G at nakuha kaagad. Ayaw pa nga bitawan eh lalo na si Ian. Nagyaya na akong umuwi pero si Ian ayaw umalis dahil gustong dalin yun car. So in the end, tinopak na si Ian dahil sa car. Kinarga ko na lang palabas ng office.

On our way back to Las Pinas, I played again the DVD para maaliw ang kambal. Since sleeping time naman nila, they just slept sa car seats nila.

Before we went home, we passed by muna SM Southmall. We ate first at Max's which I only spent  around P100.00 for the bottomless Sago't Gulaman. I claimed kasi my freebies from my Eastwest Bank card eh. I got the Basic Meal for me and Regular Pancit Canton for the kulilits. After eating, we went to Ace Hardware to buy some pin lights for my parent's house. Since may topasky pa rin si Ian, karga ko lang siya the whole time. Buti na lang game si Chris na maglakad at kung hindi, nakapag-weight lifting na naman ako.

After SM Southmall, we went home na. I went first to my parent's house to see the progress of the renovation. Inspect dito, inspect doon and I asked the maid what time umuwi ang mga trabahador and kung ano ang mga natapos. Ako kasi ang napagbilinan nila mommy eh since they are in India right now.

Then after that, umuwi na kami sa house para makapagluto na ako ng dinner ni hubby. Pero ang mga kulilits, mukhang walang kapagod pagod dahil nagyaya munang magdrive ng motorcyle nila sa garage. Laro laro muna kami saglit and pumasok na rin kaagad sa house since gabi  na.

Sa house, I fed and bathe muna the kulilits bago nagluto ng dinner. Sa wakas finish na ang mga dapat kong gawin kaya ayan nakakapagblog na ako. Hehehe.

Yan ang Friday ko. How about you guys, how was your Friday?

No comments:

Post a Comment