Ads

Wednesday, April 24, 2013

Nakakawindang na Wednesday

Lam niyo ba kahapon, super nawindang talaga ako. May swimming lessons kasi ang kambal and biglang hindi available si Lolo Em and Lola Es. Buti na lang talaga at tinawagan ko si Mama Es kung hindi, hindi ko malalaman na wala pala kaming makakasama sa swimming lessons.

Si hubby hindi naman puwepuwede that time since sa Laguna ang kanyang mga clinic and alanganin ang oras ng swimming lessons. So I texted hubby to ask Teacher Ana if I could go there by myself lang with the twins. Kaso ang sagot, kailangan daw talaga na may kasama akong isa pang adult para magawa ng kulilits ang mga exercises and para hindi rin ako mahirapan.

Then I called up my best friend Monique...

Me: Bes, may big favor ako sa iyo. Sana pumayag ka...
Monique: Hay naku ha, ayaw ko magswimming!
Me: Yun nga eh. Wala kasi akong makakasama eh. Hindi raw pwede ang mga biyenan ko eh.
Monique: Basta, ayaw ko magswimming ano! Makikita ang mga pata pata ko!
Me: Ano ka ba! Ok lang yun no. 30 minutes lang naman eh. Bakit sa Nuvali, nagswimming ka?
Monique: Iba yun! Dun, tayo lang. E doon, may teacher na and may ibang kasama.
Me: Oks lang yun. Wag kang mag-alala, mataba rin ang teacher! Apir tayong tatlo!
Monique: Ayaw ko talaga. Mag-hanap ka muna ng ibang makakasama.

The conversation goes on... Pinilit ko ng pinilit si bessy kaso lang ayaw talaga.

Inisip ko naman si Kuya Bimbo which is kapit-bahay lang namin. Kaso lang alanganin ang oras and sleeping time niya yun since pang-gabi siya. So malabo talaga kaya hindi ko na binulabog.

So isip isip pa. Talo talo na talaga! Yung maid na lang ni Mama G ang last resort ko. Eh nagrerenovate ng bahay and siya ang bantay (since my parents are still in India) so parang alanganin. Pero I still tried and asked kung saan nag-gagawa. Buti na lang sa labas nagpipintura and hindi sa loob ng house and pakyawan ang deal sa mga trabahador so puwede! I asked the maid kung puwede niya akong samahan. Buti na lang game siya mag-swim at walang arte sa katawan. So ayun, dali dali kong hinatak para bumili ng swim suit sa ukay ukay. Buti na lang at small ang size niya so hindi kami nahirapan mag-hanap ng swim suit. Guess how much ang swim suit na nabili namin? P50.00 lang! Hahaha!

Anyway, na-solve na ang problema ko at nakapagswimming na kami. Buti na lang at 2nd to the last session na yun.

During the swimming session, very good ang mga kulilits. Super nakakatuwa sila! Ang laki na ng improvement nila. Since natuwa ako sa kanila, nag-drive-thru kami sa Mc Donald's to buy them hot fudge sundae. Here are their cute pictures...


Ian


Chris


So that's my story yesterday...

But wait, may isang taong alam kong makakabasa nito at malamang magagalit sa akin and that is Mama G. Kaya here is my message to you madir...

To Mama G:

Ma, alam ko pong nagbabasa ka ng blog ko. Super pasensya na po talaga at hinatak ko na naman ang maid mo. Alam kong matotodas na naman ako sa iyo pag-uwi mo. Wala na po talaga akong choice eh. Kapit patalim na talaga. Sinubukan ko naman pong magpaka super nanay, kaso ayaw pumayag ng teacher. Super sorry. I know you would understand since para naman po sa mga apo mo eh. Love you po!

Cheryll


No comments:

Post a Comment