Ewan ko ba at napagtrippan ata ako kanina. Sobrang praning pa naman ako at dun ko nilagay yung things ko kung nasaan yung mga staff ng Lozada para sure na safe mga gamit ko tapos bandang huli nawawala tsinelas ko. Sabi ko nga sa mga staff, tsinelas lang yan at napag-interesan what more yung mga valuables. Kung anu ano na nga pumasok sa isipan ko eh. Nagflash back pa nga yung mga experiences ko with my previous alma mater kung saan may mga klepto. Pati nga yung father-in-law ko napailing na lang eh.
Anyway, nagsorry naman yung coach and he promised na hahanapin nila at baka may nagkamali lang na nagsuot. He told me also na iimprove nila yung security ng place para hindi na maulit ang ganung klaseng incident.
Pag-uwi ng house, I told my mom about what happened to me. I even asked her if I should complain sa Seton about the security of the place. Sabi niya, complain ko raw. Sabi ko naman, hinihintay ko pa yung tawag ng Lozada kung nakita na nila.
Pagdating ni hubby from his hospital rounds, he told me na nagtext daw sa kanya yung coach na nakita na raw yung flip flops ko (salamat naman at sana yun nga yun). I asked hubby kung nabanggit kung saan nakita. He told me na walang sinabi basta nakita lang at tinago na.
Tomorrow, uuliratin ko yung coach kung ano ba talaga ang nangyari. Balitaan ko na lang kayo bukas.
No comments:
Post a Comment