The kulilits are spoiled. Hindi sa amin ng daddy nila ha, pero sa mga Lolo, Lola, Tito Ninong and Tita Ninang nila. Unang mga apo and pamangkin kasi eh kaya ganun. Nakakatawa nga eh kasi if they want something, hindi sila sa amin ng daddy nila lumalapit or nagpapaawa effect. Alam kasi nila na hindi sila uubra sa amin ng daddy nila eh. Dun sila lumalapit sa alam nilang hindi sila matitiis.
Yesterday afternoon, we went to Festival Mall with my in-laws to stroll around. Nakakita ng carousel ang dalawa. Ride daw sila. Hindi tinantanan hanggang pinasakay na sila ng Lolo Em nila doon.
Lakad lakad ng kaunti. Then nagawi kami sa Kid Sports. Binilan sila nila Tito Ninong Francis and Tita Ninang Ai ng new balls. Actually, additional balls yan dahil may 5 balls na sila sa bahay. Ewan ko ba, balak atang mangolekta ng bola ng kambal eh.
Their Lola Es also bought them new walking shoes there. Ang cute ano? Cute din ang presyo niya. Hahaha!
Beside Kid Sports is Mindwerks. Dito nag-inarte si Ian. May crying effect pang nalalaman nung nakakita ng car at sa Lola and Lolo siya tumitingin habang nagcry-cry ha. Mahilig kasi ang batang yan sa cars eh. Kaya ayun, napabili ang Lolo Em niya ng di oras dahil hindi matiis ang apo.
Dami na naman bitbit ang kulilits pag-uwi namin kaya ayun happy happy na naman sila. =)
No comments:
Post a Comment