Ads

Monday, April 22, 2013

One Fun Day at Nuvali

Last week, my childhood best friend, Monique, asked me if we can go swimming since my inaanak, Gabriel, wants to go swimming this summer. I said yes to her immediately since the kulilits love to swim also. Besides, I already have means to go anywhere whenever I want (thanks to my dad who is kind enough to lend me one of his cars for my own use).

Anyway, we scheduled a trip to Treveia, Nuvali. Feel na feel ko magswim dun kasi solo namin ang pool and super ganda ng facilities. Aside from that, yung style ng pool may shallow area na tamang tama lang sa mga kulilits.

The plan is that we will leave the Las Pinas at 10:00am. The day before our scheduled trip, I called Monique for our final schedule. Hindi kami masyadong nagkaintindihan dahil nagmadali akong ibaba ang phone para puntahan ang mga kulilits. Kaya ayun, 9:00am pa lang nasa house na namin ang mag-ina. Na-stress talaga ako dahil hindi pa ako prepared. Hindi ako sanay na may naghihintay sa amin tapos hindi pa ayos ang gamit namin and hindi pa ako tapos magluto ng babaunin namin. But we still managed to leave Las Pinas at exactly 10:00am.

When we arrived at Nuvali, we were supposed to eat lunch muna before we go swimming. Pero ang mga kulilits, super mga atat. Ayaw kumain! In fact, they started to undress themselves...


Chris & Ian


Pero napigil pigilan ko naman ang dalawa kaya kahit papaano, nakasubo pa rin naman kami. We had Andok's lechon manok, chicken nuggets, chicken hotdogs and paksiw na bangus for lunch.




After ilang minutes, pinagbigyan ko na ang dalawa. Here are their picture with their kinakapatid...


Chris, Gabriel & Ian


Ang cute nilang tatlo di ba?

Here is a picture naman of me and my best friend na mga nakakatakyut...


Monique & Me


Here are some pictures of the kulilits na super addict sa water...


Chris & Ian


Ian


Chris


Chris & Ian


Grabe ang mga kulilits! Walang sawa sa tubig. More than 5 hours atang nakababad eh. Kung hindi ko pa binitbit papuntang shower room hindi pa sila aahon. Wala talaga akong masabi!

After swimming, we went around the place and dun ko lang nalaman na may Boulder House pala (a play area for toddlers)...




Inside the Boulder House, may pool full of balls which the kulilits enjoyed...




May mini rock climbing area din kung saan nag-ala Spiderman si Gabrielle...




Meron ding TV area with tables and chairs which I forgot to take pictures.

After Treveia, we were supposed to walk around Solenad pa kaso hindi na kinaya ng powers ng mga kulilits. Bagsak kaagad sa kotse...


Chris, Gabrielle & Ian


Kaya ayun, we decided to go na lang to S&R to eat merienda.

At S&R, since nakargahan na ulit ng baterya ang mga kulilits, sobrang lilikot nila. Ginawa nilang laruan ang push cart. Si Gabrielle ang pasahero at ang kulilits naman ang tagatulak. Naka-ilang saway ata ang guard sa amin eh.

Kaya nung palabas na kami ng S&R...

Guard: Kambal po ba yan?
Me & Monique: Oho
Guard: Kaya pala ang lilikot eh. Anak mo? (question directed to Monique)
Monique: Hindi ah! Mga anak niya yan! (pointing to me)
Me: Eh Manong, yun po di malikot? (pointing to Gabrielle)
Guard: Naku, lalo na yan!
Me & Monique: LOL!
Me (to Monique): Akala mo ha mga anak ko lang ang malilikot, eh mas lalo pala si Gabrielle! Hahaha!
Monique: Hahaha!

That day is super fun! Ang tagal na kasi namin hindi nakakalakwatsang mag-best friend eh. Last time naming nakagala is wala pa akong anak. Since nag-enjoy kaming lahat, we are planning to go out again soon!


2 comments:

  1. Anonymous12:47 AM

    Happy Ako about this day out, minsan talaga mas ok yung konting plano lang.

    Narinig nyo na ba yung usapang estudyante? yung itigil na nga yang pagaaral na yan nakakasira ng barkadahan or usapang Call Center? yun bang tipong everyone is in the heaight of the kwentuhan biglang may papasok na tawag at ang sasabihin ng mga kasama mo ibaba mo na yang tawag mo nakakasira ng chismisan? eto na yun it applies to ms cheryll padua!!! yung pagtratrabaho nya nakakasira ng pagkakaibigan o ng lakwatsa! as in masyado kasing dedicated sa trabaho kaya hindi na kami nagkikita o nakakaalis. eh sino ba naman ako.... si monica na kaladkarin ni cheryll ahehehe, kaya im glad full time mommy nalang sya... pag pinuntahan mo sa bahay nila for sure andun yun. and dahil pareho na kaming may mga anak iisa nalang goal namin kapag may lakad .... ang play ground. =P mve

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang drama naman! Hahaha! =)Sama kayo ni Gab this weekend? May pasok ka?

      Delete