First, there are a lot of things that I still need to prepare for our BIR compliance. I'm already done with our 2012 ITR. Actually, I already asked hubby to file it yesterday. Unfortunately, BIR did not accept it because they have this requirement about the summary alphalist of withholding taxes (SAWT). They told hubby that we need to submit a CD for the SAWT since the number of companies that paid hubby is 10. Sorry naman, I'm not an accountant eh (nagfeefeeling lang! Hehehe!). Kaya ayun, I downloaded pa an application from the BIR website and encoded all the 2307 that we received during the 4th quarter of 2012. I slept na nga at 3:00am just to finish it eh para macheck na rin ng staff ng dad ko sa office kung tama ang ginawa ko. Buti naman at ok na. I just rearranged the attachments para maayos. Hopefully, tanggapin na ng BIR tomorrow.
Aside from the annual ITR, I still need to prepare 2013 1st quarter ITR and monthly percentage tax (2551M). Hindi ko pa nga matapos tapos since hindi pa complete yung binigay sa akin ni hubby na list ng mga issued ORs niya. May isa pang clinic kasi na kulang eh. Nangangarag na nga ako since April 15 din ang deadline ng 1st quarter ITR. Ayaw ko pa naman makisabay sa deadline dahil siguradong pang box office ang pila. Tapos gusto ko rin sabay na ang pagfile ng 2551M para isahang punta na lang. Nakaka-stress din no dahil ang laki na naman ng ilalabas namin na moolah! Buti kung 4 digits lang eh. 5 digits eh. Imagine, isang designer bag na ang mabibili nun! Haayysttt... Ang masakit pa is alam na natin kung saan mapupunta yun! Mahirap na magsalita at baka macyber crime tayo. Hahaha!
Second, nag-start na ang swimming lessons ng mga kulilits so major adjustment na naman ako sa schedule. Ang hirap dahil nasira yung normal routine namin. Like nung first day of lessons nila, wala akong halos nagawa dahil hindi nakapagnap yung dalawa. Lam niyo naman, nakakagawa lang ako ng ibang bagay kapag tulog sila. Ni hindi nga ako nakapag-exercise eh.
Third, I'm managing our financials. Lam niyo na. Yan yung mga monthly bills payments, updating of hubby's records and managing funds. Sa payments ng monthly bills walang problema eh kasi I'm doing all of it online. Ang toxic is yung pag-update ng records. Isang araw lang na di ka makapag-update, baon ka na. Kailangan kasi irecord yung daily transactions eh kasi imamatch in the future yung mga payments ng mga HMO and hospital. Basta yun na yun!
Lastly, I'm managing the house. Ako na ang yaya and all-around na maid. My duties as a yaya are bantay, laro, turo, ligo, toothbrush, pakain and patulog ng mga kulilits while my duties as an all-around maid are house cleaning, cooking, watering of plants, sorting of laundry, sulsi, minor repairs and so on. Can you see the picture?
Ang hirap ng trabaho ko as a housewife ano? I'm not complaining though. Ginusto ko naman ito eh and happy naman ako since may feeling ng self-fulfillment in my part dahil nakakayanan ko. Sabi ko nga kay hubby ang daya niya eh. Kasi ako I'm wearing too many hats samantalang siya ang iniisip lang niya is how to earn for us.
Anyway, that's life. I'll just take it as a challenge. I believe that someday, magreareap din lahat ng ginagawa ko. =)
No comments:
Post a Comment