Ads

Tuesday, April 02, 2013

Good Friday

Last Good Friday, hindi naman ako gaanong kabusy. Plan ko lang is ifile ang mga dapat ifile and mag-ayos ayos lang ng konti ng mga tambak sa room ng mga kulilits. Since yun ang plan ko, si hubby ulit ang naging in-charge sa mga kulilits. Pinatambay ko ulit sila sa house ng parents ko. Nagswim lang sila doon and naglaro ng mga toys nila. Pero si Papa G, hindi pumasok sa office that day since wala naman daw siyang i-rereview na working papers. Kaya ayun bandang huli siya na ang nag-alaga ng mga apo niya and si hubby bumalik na lang sa house para tulungan ako. Hehehe.

During lunch, tinawag ako ng mom ko at dun na lang daw kami kumain ng lunch sa kanila. Habang kumakain, biglang nagkaplan na tumuloy kami sa pagpunta ng Tagaytay. As in biglaan lang na naisipan ni Papa G dahil gusto niyang bisitahin yung property namin sa Alfonso para macheck yung status ng bahay para maparenovate na niya. Tamang tama raw na Biyernes Santo. Malamang daw walang traffic. Sinamahan na namin si Papa G since wala na naman kaming gagawin sa bahay.

At around 3:00pm, umalis na kami papuntang Tagaytay. Grabe, nagkamali kami ng assumption! Sobrang traaaaaffffiiiccc sa Tagaytay! Buti na lang at kahit papaano nakaabot pa kami ng may araw nung dumating kami sa Alfonso.

On the way home, niyaya ko si daddy na magdinner sa Mushroom Burger. I so love kasi their mushroom sandwich eh. Uber sa dami ng tao sa loob buti na lang at medyo ma-aga aga kami dumating dun at nauna kami sa pagdagsa ng tao.

Here are the photos that we took inside Mushroom Burger...






Jampacked ano? Hindi pa masyadong puno yan. Nung pag-alis namin, sobrang puno na ng tao ang loob ng Mushroom Burger at nawindang windang na yung mga staff nila kaya nagkakagulo na sa pagclaim ng food.

Nung pauwi na kami, hindi na umuusad ang traffic sa main road papuntang Manila. Good thing at may Waze kami kaya nakahanap kami ng alternate route. We passed at Amadeo tapos tumagos kami sa Paliparan going to Molino and then nagDaang Hari na kami. Nakaiwas kami sa traffic pero mag 10:00pm na rin kami nakauwi.

Sabi nga ni Papa G, mukhang pareho sa iba ang iniisip niya na walang traffic kapag Biyernes Santo kaya ayun sabay sabay na nagpunta ng Tagaytay. Hehehe. Next time talaga, kapag Holy Week, sa bahay na lang kami para pahinga na lang talaga.

Anyhow, happy pa rin naman kami kasi kahit papaano nakapag-Mushroom Burger naman. Hehehe!

Kayo guys, saan kayo nung Good Friday?

No comments:

Post a Comment