One of my favorite desserts is Leche Flan kaya alam ko if it is really yummy or not. Ang gusto ko sa leche flan, yung makunat kunat and creamy. Yung tipong sinasabi nila na purong egg yolk ang ginamit. Yung iba kasi, parang puro bubbles tapos parang hindi siksik. In short, hindi masarap. Alam mong mumurs... Mumurahin... Hahaha!
Tatlo pa lang ang leche flan na pasado sa akin apart dito sa new discovery ko. First, yung dinadala ng Lola Anding ko sa amin every time na may occasion. Nasa maliliit na lanera lang yun. Second, yung naka vacuum seal tapos nakabox na laging sineserve tuwing pasko ng Ninong ko sa Quezon City. Lastly, yung naka disposable container na leche flan ng kapitbahay sa Caloocan ng sister-in-law ko.
Anyway, eto na yung discovery ko... Sweet Amelia Leche Flan...
Ang sarap sarap! Promise! Ako lang halos ang nakaubos nito. Natikman ko ito nung may Valentine's party sa house ng parents ko. Nagdala yung friend niya nito and tinake out ko yung isang pack na iniwan. Haha!
I asked my mom kung saan nabili ng friend niya. Sabi niya, sa SM Southmall lang daw. Dun sa may grocery area, yung bilihan ng mga bibingka, banana cue , at iba pa. It costs P145.00 daw. For me, ok na siya for the price kasi malaki siya and siksik talaga. Aside from that, ang ganda ng packaging. Parang pang-export quality ang dating.
Yun lang po... Next time ulit! =)
I agree.. But sad to say, wala na akong nakikita nyan sa supermarket. Yan lang din ang palagi ko pinupuntahan kasi super sarap at creamy nya.
ReplyDeletewala na daw po sa sm supermarkets or sm savemore neto ☹️ na pull out na po. i dunno where to buy
ReplyDelete