Ads

Sunday, August 18, 2013

Adventures in Macau: Day 1

Like what I said in my previous blog post, my mom and dad tagged us along at Macau and Hongkong to celebrate my mom's birthday. Naging tradition na ata ang pagtravel during my mom's birthday eh. Nagsimula yun 2 years ago when we went to Cebu and Bantayan Island.

So eto na ang simula ng series ko...

Flight to Macau

We got a Manila-Macau-Hongkong-Manila flight para hindi na hassle for us since we have 2 terrible two's with us. I really thought na ang biyahe ay magigins super dali na for us since sanay na sanay na sa biyahe ang mga Kulilits. But NO!!! Nagkamali ako ng hinala, sobrang lilikot at di mapakali ang dalawa. Sa airport pa lang, nag-umpisa na magtatakbo with matching gulong ng maleta all around.

Then pagdating naman sa loob ng airplane, ayaw din mapirmi. Ayaw umupo sa seats nila and ayaw magpaseatbelt. Tapos gusto mommy lang! Buti na lang at may iPad akong bitbit, at least it kept them preoccupied during the entire flight. Pero nung pinatay na ang iPad dahil palanding na ang plane, umiyak si Chris. Haaayyysssttt... Buti na lang at on time ang flight and mabilis kaming nakarating sa Macau. Ang comment ko lang sa eroplano is maingay siya. Yung tipong parang may naglalagare. Kaya parang scary tuloy. Hehe.

Here are some of our pictures inside the airplane...


Me & Ian


Ian & Doc Padu


Chris


Ian


Ian & Papa G


Me & Chris


Macau Day 1

When we arrived in Macau, we went directly to the Hotel to check-in. We stayed at Metropole Hotel. 3 star hotel lang siya which is very accessible to the Senado Square and Ruins of St. Paul. Though 3 star lang siya, mahalia pa rin ang rate nila dahil more than 5k pa rin per night (without breakfast yun ha).

Nagsettle lang kami sa hotel and nag-eat ng baon naming dinner. Yes, may baon kami! C/o Mama G yun. Hehe. We had pork adobo and salmon steak. Panalo ang salmon steak ni mother, promise!!!

After dinner, we walked going to Wynn Hotel to watch the dancing fountain show. Ang mga Kulilits, ayaw maglakad. Carry daw sila. Ang bibigat pa naman. Gusto pa nga sa akin magpakarga pero ayaw na ni mommy since preggy ako. Kaya ayun, si hubby and Papa G ang nagbuhat. Nanakit nga raw ang likod ni Papa G eh. Tumatanda na raw siya. Hehe.

Here is our picture while watching the dancing fountain at Wynn Hotel...




The dancing fountain...




A short video of the dancing fountain...





After the dancing fountain, we went inside Wynn Hotel to watch the Dragon of Prosperity show and Tree of Fortune show.

Below are some of the pictures during the Dragon of Prosperity show...
















Below are some of the pictures during the Tree of Fortune show...














After the shows, we were supposed to go to Senado Square kasi akala ng brother ko may night market dun. Buti na lang yung front desk ng Wynn Hotel sinabihan kami na walang night market dun kung hindi, todas kami. Hehe. Kaya ayun, bumalik na lang kami sa hotel. Since nananakit na ang likod ni Papa G and pagod na magbuhat pabalik ng hotel, we just rode a cab going back to the hotel. Lam niyo ba, buti na lang at tinulungan kami ng Pinoy dun sa hotel. Eh papaano ba naman, hindi marunong mag-English and hindi pa ata marunong magbasa yung driver.

So that's what happened during our first night in Macau.

No comments:

Post a Comment