Ads

Wednesday, August 07, 2013

Ilang Tulog Na Lang!!!

Yey! We are very excited!!! Ilang tulog na lang at fly fly na kami going to Macau and Hongkong. My mom kasi wants to celebrate her birthday there with us kaya ayun, trineat niya (with my dad) kaming lahat ng all expense paid trip going there.

At siyempre, ang pinaka-excited sa lahat ay ang mga Kulilits! Kaya every time na nakakakita ng commercial ng Hongkong Disneyland sa Disney Junior, lagi nilang sinasabi,"Let's go to Hongkong Disneyland, mommy!" As in paulit ulit yan.

Tapos, every time makakakita ng airplane, laging sinasabi...

Kulilits: Airplane, mommy! Let's ride an airplane.
Me: Where are you going?
Kulilits: Hongkong Disneyland!
Me: What are you going to do there?
Kulilits: Ride, Dumbo!
Me: Where are your tickets?
Kulilits: Papa G!

O di ba? Excited much sila masyado. Ako nga rin na-eexcite, kasi ngayon, maaappreciate na nila yung mga rides unlike yung nagpunta kami sa Disneyland sa Anaheim na natulog lang sila ng natulog. Buti na lang at libre sila that time kung hindi sayang ang anda. Hehe.

Kung ako naman tatanungin niyo at bakit panay lakwatsa ko pa considering na buntis ako. Well, nature ko na ang pagiging lakwatsera. Haha! Keri pa naman eh kasi 4.5 months pa lang naman ako tapos singleton lang naman ang dinadala ko. Actually, hanggang 6 months puwede pa. Kaya sinusulit ko na ito dahil I'm sure after kong manganak, matagal tagal na naman akong mabuburo sa loob ng bahay. Hahaha! I remember nga nung pinagbubuntis ko ang kambal, 6 months ako with them, nagpunta pa ako ng Singapore. Pinayagan ako ng OBG ko na pumunta dun as long as ipromise ko raw na hindi ako masyadong maglalakad. Pero when we were there, as if naman hindi maiiwasan ang maglakad and knowing me na ultimate pasaway. Alam na! Hehehe.

Ayan, may maichichikka na naman ako sa inyo. Promise, pasasalubungan ko kayo ng kuwento!!! =)

No comments:

Post a Comment