Ads

Friday, August 09, 2013

Boy or Girl?

I had my prenatal check-up last week. I knowwww.... Ang tagal na! Pero better be late than never naman di ba?

I was 19 weeks that time and my OBG is very happy about my weight gain. I only gained 2 lbs kasi since my last visit and she's hoping that I won't gain that much during my entire pregnancy. I'm overweight naman kasi kaya oks lang not to gain that much as long as I don't starve to death. Basta I eat regularly lang with the right amount of food, ok na daw yun sabi ni doktora.

I'm 20 weeks now and I'm halfway through my pregnancy. Ang bilis ano? Parang nung nakaraan lang, I just learned that I'm preggers tapos ngayon the baby bump is starting to show up na.

Since I'm 20 weeks already, my OBG requested me to have a congenital UTZ to be sure that everything is ok. I scheduled it on August 16. On that day, malalaman ko na ang gender ng aking baby. Sana nga lang wag niyang itago ang kanyang flower or pututoy. Hehe. Ano kaya ang gender? I'm very excited to know!!! If I'm given a chance to choose, sana girl na para complete na and para may magmamana na ng mga pangirlaloo na kayamanan ko. Chos! Hahaha! Pero kidding aside, everybody is wishing for a baby girl na. Medyo kulang kasi sa babae ang mga Padua at Garcia eh. Like sa side ko, ako lang ang girl sa aming magkakapatid. In the same way sa side ng hubby ko, isa lang din ang girl sa kanilang magkakapatid.

Ano kaya kung girl ano? Sanay na sanay na ako sa mga tutoy eh. Paano kaya magclean ng flower? Paano kaya pagnagpoop? Paano kaya kapag tinotoilet train na at nasa car, paano kaya magwiwiwi? Kapag tutoy kasi, walang kaproble problema eh. Lam niyo yun, napakadali. Basta may bote ka lang na available or ihinto lang ang car at buksan ang pinto keri na.

Kayo? Ano hula niyo? Boy or Girl?

Abangan sa August 16...

No comments:

Post a Comment