Ads

Thursday, August 29, 2013

Weeee!!! Groceries!!!

Right now, sa bahay ni Mama G ang nakatira lang ay sila ni Papa G at isang maid plus dalawang aso. Pero kahit kakaunti lang sila sa bahay, walang mintis pa rin yan sa pag-grocery. Para bang parating nagreready sa end of the world sa bahay sa dami ng mga pinamimili. Kaya nga ba ang kapatid kong si Paolo, tuwang tuwa kapag umuuwi ng bahay dahil nakakapag-grocery siya sa mini-grocery ni madir.

Last night, sumama kami kay Mama G mag-grocery kasi hindi nakalimutan ni Ian ang pagpunta sa supermarket na prinomise sa kanya ni madir.

Me: Ian, where are we going?
Ian: Supermarket!
Me: What are you going to buy in the supermarket?
Ian: Chuckie...Yakult...Wafer Sticks...

Kaya ayan, naipamili kami ni Mama G ng ilang mga items...




Kanina, I had a conversation with Mama G...

Me: Ma, mukhang namiss mong mamili ng marami ha kasi pati kami pinamili mo.
Mama G: Bakit, marami pa rin naman akong mamili ha? 
Me: Sabagay...
Mama G: Kaya ang daddy mo, huwag akong hahanapan ng ipon.
Me: Hehe.
Mama G: Sabi nga ng daddy mo kagabi mukhang marami ka na naman nadampot kahapon kasi panay thank you mo.
Me: Ano sabi mo?
Mama G: Ano pa nga ba?
Me: Hindi naman... Puro kay kambal naman yun ha!

Wala lang. Share ko lang sa inyo. Nakakatuwa kasi si Mama G, kahit mabunganga yan, labs na labs kaming magkakapatid. Tapos kapag kukuha kami sa ref niyan at cupboard, kunwari lang yan sisitahin kami pero deep inside tuwang tuwa yan kapag nag-grogrocery kami sa kanya kasi kapag nag-grogrocery yan sa supermarket, ang dinadampot niyan madalas yung mga gusto namin. Hehe. =)

No comments:

Post a Comment