Ads

Saturday, August 24, 2013

We are Relieved

Ang bukod tanging wish ng bawa't inang nagbubuntis ay maging normal at healthy ang batang kanilang dinadala. Kapag tinatanong sila kung anong gender ang kanilang gusto, ang usual nilang sinasagot ay "Kahit ano as long as normal at healthy ang baby ko". 

Ganyan din naman ako. Pero aaminin ko na kahit papaano pinapangarap ko rin naman sanang babae na ang dinadala ko. Pero ganunpaman, nagpapasalamat ako sa Maykapal dahil so far normal and healthy ang baby ko. Yesterday kasi, nag-repeat CAS ako since yung last CAS ko hindi nakompleto lahat ng OB-Sonologist ang findings dahil sa position ng baby.

Super happy and relieved kami ni hubby nang natapos ang CAS. Siyempre di ba kakabahan ka kahit papaano dahil baka mamaya may diperensya yung baby. Lam niyo yun, baka mamaya kulang o sobra mga daliri sa paa o kamay o di kaya walang butas ang ilong at iba pang physical abnormalities.

Ang hihintayin na lang namin ay ang paglabas ng baby namin na kung saan gagawan ng newborn screening. I believe, in God's grace, na everything will be alright. =)

No comments:

Post a Comment