In fairness, marami namang pumuri sa kanya puwera siyempre ako. Hehe. Hindi ko kasi feel ang kalbo sa kanya kasi ang laki laki niya. Ika nga ni Mama G, mukha siyang pitugo (Tagalog for Babushka dolls). Something like this...
photosource |
Anyway, kagabi medyo napag-usapan namin ang muling pagpapakalbo dahil humahaba na ang hair niya.
Me: Be, magpapakalbo ka ba ulit?
Doc Padu: Hindi na. Papahabain ko na ulit.
Me: Bakit?
Doc Padu: Ang pangit kasi eh kapag tumutubo na.
Me: Ahhh. Nagyayaya kasi si Kuya Bimbo eh. Sabay daw kayo magpakalbo in time sa Bali trip natin.
Doc Padu: Niyek! Ang hirap eh. Ano yun, lagi na lang akong kalbo?
Me: Akala ko ba bagay sa iyo ang kalbo? Akala ko ba maraming nagwagwapuhan sa iyo kapag kalbo ka?
Doc Padu: Ano ka ba? Puro mga matrona lang naman ang nagwagwapuhan sa akin.
Me (tawang tawa): Ay oo nga pala! Matrona killer ka nga pala! Bwahahaha!
Wala lang. Tawang tawa lang ako sa asawa ko. Kasi kapag nagkwekwento siya sa akin nung bagong kalbo siya, ang mga nakakapansin sa kanya ay yung mga pasyente niyang mashoshonda na. As in walang palya na sinasabihan na bagay sa kanya ang kalbo. Kahit nga yung broker namin sa house na binili namin eh, 60s na yun, sinabi na masbagay sa kanya ang kalbo. Hehe.
No comments:
Post a Comment