Our condo unit in Makati is being leased na kasi. At least wala na kaming proproblemahin sa monthly amortization sa bank since nacover na ng rental. Self liquidating ba. Ang galing ano?
Anyway, our tenant is fresh from Japan. Yesterday, from the airport she went directly to our condo unit to meet me and to move in right away. Ganun kabilis! We just communicated thru email. Sobrang bait and daling kausap. Nagclick nga kaagad kami kasi magkasing age lang kami. Tapos nagulat nga rin ako dahil pagkameet namin inabutan ako ng pasalubong from Japan. Ang sweet ano?
Here is her pasalubong for me...
Japanese sweets daw ito. Wala namang English na nakasulat sa box kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang laman. Kaya pinabukas ko kay Chris since siya yung nadatnan kong gising that time when I went to my parent's house (dun ko kasi muna sila iniwan eh).
Then, pagka-open niya, may padila dila pa. Pacute pa sa camera eh...
Actually, para siyang bird shaped hopiang monggo. Sweeter version nga lang ng hopiang monggo natin. Masarap naman lalo na kapag chilled. =)
By the way, before I end this blog post, I want to thank my dad for helping me find a tenant. Pwe-pwede naman kasi niya i-offer yung mga condo niya sa Makati eh pero mas-prinioritize niya kami since mas kailangan daw namin dahil nga we bought a new house. Sobrang na-aappreciate ko dad ang lahat ng tulong and support mo sa amin. We love you dearly! Mwah! Mwah!
No comments:
Post a Comment