Eto ang mga ilan sa mga alam nila na words/names na I think are very unexpected sa kanilang age...
- Eiffel Tower - dahil lang yan sa prize nila nung birthday ng Tita Ninang ko, at alam na alam na nila kung ano ang Eiffel Tower
- White House - as in US White House ha. May book kasi sa house nila Papa G na minsan ko lang binasa and naging favorite na nila yun. Nagulat nga si Papa G nung sinabi ni Ian na "Papa, let's go to the White House!"
- Dr. Seuss - minsan ko lang nabasahan ng book na written by Dr. Seuss. Tapos di ba may famous character siya na The Cat in the Hat. Basta pag may nakita na character na ganun, they could tell na mismo na Dr. Seuss yun.
- Medicine - they really know what it is. Kung may boo boos ka, they'll tell me "Put some medicine, mommy!"
- Vitamins - kilala na nila ang vitamins nila that's why nung nagpunta kami one time sa drug store, aba nagtuturo sabay sabing "Mommy, there! There's our vitamins! Buy vitamins, mommy!"
- Stethoscope - obviously, malamang maaga nilang malalaman yan dahil doctor yung daddy nila. Hehe.
- Racing Car Driver - Naku, sabi nila they want to be a racing car driver daw. Hehe!
And the list goes on...
Haaayyy... How time flies talaga! Dati puro iyak at tawa lang ang naririnig ko, tapos ngayon puros mommy ganito, mommy ganyan. Nakakaaliw lang talaga. Sa susunod niyan, puro tanong na na mommy, why ganito, why ganyan? Magreready na ako niyan at baka mamaya maubusan ako ng maisasagot. Hehehe.
Kayo, what are your kuwentos about your babies?
No comments:
Post a Comment