I had my congenital anomaly scan (CAS) yesterday at Makati Medical Center. It's an ultrasound made to check if everything is normal with my baby. During this utz, I'll be able to find out also the gender of my baby.
Grabe, ang tagal kong nakahiga yesterday sa utz room halos nakatulog na nga ako eh. Eh paano ba naman napakahyper daw ng baby ko. Sobrang likot! Nafeefeel ko nga rin na galaw ng galaw and sinisipa yung scanner eh.
Eto conversation namin ni Dra. yesterday...
Dra (laughing): Ano ba ang pinakain mo dito at sobrang active ng baby mo? Kanina pa ito, di na tumigil sa kagagalaw.
Me: Uminom po ako ng asukal Dra.
Dra: Hindi nga?
Me (defensive mode): Joke lang po. Uminom po kasi ako ng softdrinks eh bago ako pumunta dito. Pero no caffeine naman po, Sarsi. Hehe.
Dra: Ah kaya naman pala. Pero ok na rin at least magalaw siya.
O di ba? nasa loob pa lang ng tiyan ko sobrang likot na? What more kung nasa labas na? OMG! Patay na naman ako nito...
At eto pa, guess what's the gender?
It's another baby BOY!!! Malapit na ako makabuo ng basketball team! Hehehe.
Sabi ko pa naman sa doctor na sana girl na nung tinanong niya ako kung alam ko na ba raw yung gender. Tapos ang baby, walang pakipot na nag leg apart at binulgar ang tutoy niya. Well, well. I just have to accept it. Yun yung binigay ni Lord eh. Blessing naman ang baby and at least healthy and normal naman so far.
Yun lang, I just have 2 chances left na magtry to have a baby girl since CS ako and kailangan magkababy ako before I reach 40.
Eto na lang ang conversation namin ni Doc Padu after the CAS:
Me: Be, nakakainis ka. Bakit ba tuwang tuwa ka at lalaki ulit? Talagang ang reaction mo 'YES!!!'!
Doc Padu: Siyempre, para guwapo ulit kamukha ko and bubuo kami ng banda!
Me: Wala lang. Di mo ba naisip kung naging babae at least quota na? Wala na tayong iisipin kahit hindi na tayo mag-anak after? And aside from that, wala akong tagapagmana!
Doc Padu: Wag ka naman ganyan bebe. Para naman wala ka nang gana niyan eh. Kawawa naman ang baby.
Me: Hindi naman be sa walang gana. Nakakalungkot lang kasi. Buti sana kung marami pa akong chance magkababy. Eh 2 chances na lang. Tapos tumatanda na ako. Imbis na wala na tayong iisipin eh. Lam mo yun?
Doc Padu: Ok lang yan be. Malay mo, sa susunod?
Me: Hindi ba puwede piliin ang semilya na puro X chromosomes na lang ang ilalabas mo para sure na babae na sa susunod? Ikaw rin, sige ka, walang magiging close sa iyo. Di ba sabi nila kapag boy ang anak mas close sa mommy and kapag girl sa daddy naman? Tignan mo ngayon, yung kambal sa akin lang lagi nakasiksik.
Doc Padu: Ang daya mo! Basta isipin na lang natin, blessing yan and we should be grateful dahil normal and healthy baby natin.
Me: I know. Pero be, naiimagine mo na ba? Mukhang magkakariot sa bahay natin sa gulo dahil puro lalake mga anak natin.
Doc Padu: Patay tayo diyan!!!
Another baby boy for us. At least, hindi na ako mangangapa sa pag-aalaga since sanay na ako sa tutoy. Hehe.
I just have to go back to Makati Med next week for another round of CAS since hindi nakita lahat ng doctor dahil nga sa sobrang likot ng baby. Pero as I told you earlier, so far, so good ang baby. =) Balitaan ko na lang kayo...
No comments:
Post a Comment