Ads

Tuesday, August 20, 2013

Adventures in Macau: Day 2

Macau Day 2

On our second day in Macau, our first stop is at Galaxy Hotel. Bago kasi itong hotel na ito eh and wala pa ito the last time we went to Macau in 2008. Sa pagkakatanda ko, ang pinakamagandang hotel-casino pa noon sa Macau is the Venetian Hotel.

The facade of Galaxy Hotel...




Here are some of our photos taken inside the Galaxy Hotel...


























Ang daming makikita sa Galaxy Hotel ano? Ang dami pang ginto na sasakyan. Pwede kayang isangla ang mga yun? Hehehe! We had our lunch na rin sa Galaxy Hotel. May fastfood kasi sila sa loob pero ang presyo ng mga pagkain presyong hotel pa rin. Imagine ang McDo meal na inorder ng kapatid ko, almost P500.00? Average kasi ng meals sa fastfood doon around MOP 70-80.00 eh.

After lunch, we went to Venetian Hotel. Nakapunta na kami doon before, gusto lang namin balikan kasi ang ganda ng interior niya and we want to ride the Gondola kasama ang mga Kulilits. Pero when we arrived there, grabe sa dami ng tao. As in galanggam!!! Chaotic nga yung scene eh and ayaw ko na ma-experiene ulit yun. Ang dami kasing taga Mainland China na namamasyal.

Eto ang isang ebidensya na sobrang dami ng tao. Hindi ko na kinunan yung sa may lobby at baka kasi mawala ako eh. Hehe...




Here are some of our photos taken inside the Venetian Hotel...












After Venetian Hotel, we went to Senado Square. Nandoon kasi yung mga shops and doon din yung way papunta sa Ruins of St. Paul.


Senado Square


On our way going to the Ruins of St. Paul, ang daming bakeshops and bilihan ng tapas. Actually, kahit hindi ka na nga bumili kasi mabubusog ka sa dami ng free taste eh. Sabi ko nga kay hubby dapat nagbaon kami ng lalagyan. Hehehe!


Assorted Tapas

You can also see St. Dominic Church along the way...




Here is our family picture at the Ruins of St. Paul...


Ruins of St. Paul

After Senado Square, we ate early dinner at a shabu shabu restaurant near our hotel. We need to be at the Macau ferry terminal before 9:00pm kasi para makarating ng maaga aga sa Hongkong. Hay naku grabe. Nakakatawa na nakakainis ang experience namin sa restaurant. Di kasi magkaintindihan si Mama G and yung waitress. Di kasi sila marunong mag-English masyado eh kaya hirap sa communication. Kaya ayun, ang gulo ng mga order namin. Hehe. Tapos pati yung tubig, akala ni Mama G soya milk yung binibigay sa kanya kaya sinungitan niya yung waitress. Bakit daw hot soya milk yung ibibigay sa kanya. Yun pala sounds like "suya" yung Chinese ng water. Kaya ayun, may natutunan na naman ako na Chinese. Ang ice water sa kanila ay "bing shui".

Anyway, after dinner, we went back to our hotel to wait for the shuttle bus going to the Macau ferry terminal.

Ferry to Hongkong

Very easy lang ang travel from Macau to Hongkong. We rode TurboJet. Medyo expensive lang that time kasi gabi kami umalis. May night rate and weekend rate pala sila doon. Mabilis lang ang travel time namin. It only took us 1.5 hours from Macau to Hongkong. Natagalan lang kami sa immigration dahil ang daming tao, as usual.

So that's it. That's our 2nd day. =)

No comments:

Post a Comment