Ads

Tuesday, August 27, 2013

Food Trip: Cafe Lidia

Last week, blinock na ni Mama G ang August 26 namin (since holiday yun). Pupunta raw kami sa Marikina to eat burgers. Napanuod daw niya kasi sa KrisTV na may restaurant sa Marikina na nag-seserve ng gigantic burger and mukhang masarap daw.

Ang daming plano ni Mama G. Nung una bibili raw siya ng gigantic burger then share share na lang daw dahil around P600.00 daw ang isa nun and super laki since 5 patties yun. Pero nag-protesta ako dahil kami ni Papa G hindi na kumakain ng beef at kawawa naman kami. Hanggang sa sinabi niya na oorder na lang daw siya ng lahat ng klaseng burger then share share silang tatlo ni hubby and brother ko. Tapos kami naman ni Papa G oorder ng Turkey Sandwich, Chicken Burger and Pesto and Sundried Pasta.

August 26 came... 

We left Las Pinas at around 3:00pm. Sinundo namin si Papa G sa Makati (addict sa work eh kaya pati holiday pumapasok). Then we headed to Marikina to look for Mama Chit's Coffee House. Ang bilis naming nakarating sa Marikina. Walang ka-traffic traffic since holiday nga. Pero sa paghahanap ng Mama Chit's inabot kami ng isa't kalahating oras!!! We used Waze pero niligaw kami!!! Sabi nga ni Papa G, minsan talaga mahirap mag-rely sa new technology. Mas-effective pa yung lumang gawain na nagtatanong tanong ng daan. Hehe!

After 10 years, nakarating din kami sa Mama Chit's Coffee House...




Walang parking! Kung sa gilid ka lang magpapark, may nagtotow daw kaya sa may San Roque Church na lang nagpark si Papa G. Tapos pagdating sa loob, ang daming tao! Pila balde ang peg! Tapos may nakalagay sa counter na for take out only. Nyak! Sa sobrang dami ng tao, hindi na sila nagpapadine-in, puro take out na lang daw. Tapos nung inask ko yung menu nila, sinabi sa akin baby burgers na lang daw ang available. Ano daw? Ang saklap ano? Ang layo na nang pinanggalingan namin tapos nagkandaligaw ligaw na kami kahahanap ng cafe na yan, tapos wala silang stocks!!! Haaayyysssttt...

Anyway, since nasa Marikina na lang din kami, nag-search ako ng ibang pwedeng makainan na dinadayo rin doon. Una kong nakita yung Isabelo's. Walking distance lang siya from Mama Chit's. We went there kaso lang olats din! Kailangan pala may reservation. Nyak! Nyak! Nyak!  We tried to talk to them kung pwede makalusot kami since galing pa kami sa malayong lugar, pero hindi raw talaga pwe-pwede.

Lapit na mag-give up si Papa G. Gusto na umalis sa Marikina. Parang narinig ko Yakimix na lang daw kami. Pero di pa rin ako nag-give up. One last try... sa Cafe Lidia na lang kako kami. Mukhang masarap naman and maganda rin naman mga reviews.

Madali na lang namin nahanap yung place since may map naman. Kaso nga lang ang daming one way sa lugar na yun.




When we arrived there, ang dami ring tao. Napagtanto ko na na-feature din pala sa KrisTV. Anovayan!? Pero bago kami bumaba sa car, tinanong muna namin yung guard kung makakaupo kami. Mabilis lang naman daw mga 15 minutes ang waiting kaya gorabels na kami.

At least dito, makakaupo kami kasi malaki yung place unlike sa Mama Chit's super small lang nila (Wala pa yatang 20 pax ang kasya sa cafe nila eh) and hindi rin problema ang parking dahil may parking space sila sa harap ng resto.




Eto ang pila sa labas ng resto...




Here are some of the dining areas ng resto. Sa sobrang laki, hindi ko na kinunan lahat ng areas.

First floor...




2nd Floor...




Here are what we ordered:

Nachos Grande (Sorry naupakan na bago nakunan ng picture. Hehe!)...


P285.00


 Buffalo Wings...


P170.00


Potato Salad...


P120.00


 Chicken Kiev (Again, paubos na nung narealize na di pa napicturan. Kaya borrow lang muna ng picture from the net)...


photosource
P205.00


Beef Tenderloin Steak...


P365.00

Pasta with creamy mushroom...


P150.00


Spaghetti Gamberi...


P170.00


Pasta Ala Lidia...


P155.00


Baked Mac and Cheese...


P145.00


Trio Formaggi...


P225.00


House Special Pizza...

P240.00


Blue Berry Cheesecake...




Chocolate cake...




Marshmallow Chocolate Cake...




Ang dami naming inorder ano? Di naman halatang tomjones kami. Hehe! Anyway, Cafe Lidia's food is very affordable ha. All of the food that we ordered together with our drinks cost only around P2,600.00 (net of Senior Citizen discount). With the food naman, I don't want to comment that much. For me, ok naman siya, masarap naman but nothing special. Mahirap kasi magcomment kasi that time ang daming tao since nafeature nga sa KrisTV. Sabi nga ni hubby, if you want to know the real taste of their food, eat there again with less people since kapag sobrang daming tao nagdedeteriorate yung quality ng food. Well, may point naman si hubby doon.

And siyempre, di matatapos ang gabi without our group picture. Here we are with our happy tummies...




Lesson learned from our Marikina food trip: Magpalipas muna ng ilang buwan bago mag-try ng restaurant na nafeature sa KrisTV. I guess sobrang effective endorser talaga si Kris. =)

That's our food trip. Kayo, what's your latest food trip? Share naman diyan...






No comments:

Post a Comment