Ads

Saturday, August 31, 2013

SWAG: Asado Buns

Last night, hubby brought home a box of asado buns...




Thank you Tito Tony Benasa for these delicious asado buns!!!

Friday, August 30, 2013

The Big Sale at SM Southmall

photosource

My initial plan talaga is to go to SM Southmall on its first day of sale which is today, August 30, at 10:00am sharp. Additional 10% discount kasi sa mga SM Advantage cardholders sa first 2 hours ng sale eh. Buti na lang at kagabi pa lang, si Mama G ay nagwindow shop na para alam na niya kung ano ano ang bibilhin niya for the sale. At dahil diyan, nalaman niya na may special priviledges ang SM Prestige cardholders which are pwede na sila mamili the day before the sale with additional 10% discount and additional 5% discount if they use a BDO credit card.

So ayun, tinawagan niya ako kagabi at pinasunod sa Southmall para raw hindi na ako makigulo sa first day of sale. Buti na lang at masunurin ako. Hehe! Nakapamili na kami last night which is a good call dahil wagas sa dami ng tao ang Southmall ngayon nung bumalik ako. Pila everywhere talaga and very chaotic...








Kaya lang naman ako bumalik ng Southmall dahil I need to buy a washing machine for our condo dahil nagrequest yung tenant namin. Good thing na maaga ako nandoon dahil wala pang pila sa SM Appliance and may additional 5% discount ako. =)

Pero I still tried to buy sa department store pero I failed. Hehe. Bibili kasi sana ako ng tealight candle dahil paubos na pala yung stock ko. Pero hindi ko na kinaya ang haba ng pila tapos yun lang naman ang bibilhin ko.

Nakakatawa pa nga dahil may spoof ako kanina eh. Sa may counter kasi may nabasa ako na sign... Priority lane for senior citizens, disabled and pregnant woman. Akala ko walang pila so pumuwesto ako dun since preggy ako. Sabay sabi ng girl sa counter, "Miss, pila po kayo." Tapos yung isang buyer sinabi sa akin sabay turo sa pila, "Miss, there's the line!" Yayks! Napahiya ako dun ha. Nagsorry na lang ako kasi honest mistake naman talaga dahil hindi ko nakita yung pila. Hindi pala applicable yung mga ganung sign sa mga panahon na ganito. Kung baga, walang senior senior at walang buntis buntis kapag sale ang SM! Hehe!

So yun lang po, shinashare ko lang yung experience ko for this sale. =)

Our Sweet Japanese Tenant

Super blessed talaga kami! I really thank God for continuously blessing us. Wala talagang Siyang kupas sa pagproprovide sa aming mga needs.

Our condo unit in Makati is being leased na kasi. At least wala na kaming proproblemahin sa monthly amortization sa bank since nacover na ng rental. Self liquidating ba. Ang galing ano?

Anyway, our tenant is fresh from Japan. Yesterday, from the airport she went directly to our condo unit to meet me and to move in right away. Ganun kabilis! We just communicated thru email. Sobrang bait and daling kausap. Nagclick nga kaagad kami kasi magkasing age lang kami. Tapos nagulat nga rin ako dahil pagkameet namin inabutan ako ng pasalubong from Japan. Ang sweet ano?

Here is her pasalubong for me...




Japanese sweets daw ito. Wala namang English na nakasulat sa box kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang laman. Kaya pinabukas ko kay Chris since siya yung nadatnan kong gising that time when I went to my parent's house (dun ko kasi muna sila iniwan eh).




Then, pagka-open niya, may padila dila pa. Pacute pa sa camera eh...




Actually, para siyang bird shaped hopiang monggo. Sweeter version nga lang ng hopiang monggo natin. Masarap naman lalo na kapag chilled. =)

By the way, before I end this blog post, I want to thank my dad for helping me find a tenant. Pwe-pwede naman kasi niya i-offer yung mga condo niya sa Makati eh pero mas-prinioritize niya kami since mas kailangan daw namin dahil nga we bought a new house. Sobrang na-aappreciate ko dad ang lahat ng tulong and support mo sa amin. We love you dearly! Mwah! Mwah!

Thursday, August 29, 2013

SWAG: Army Navy Burger

Hubby went home with this...




Happy happy na naman si Doc Padu dahil nakakain na naman siya ng beef burger! Hehe! =)

Thanks med rep for the delicious burger! Namula na naman ng hasang ng mister ko. Hehehe! 

Weeee!!! Groceries!!!

Right now, sa bahay ni Mama G ang nakatira lang ay sila ni Papa G at isang maid plus dalawang aso. Pero kahit kakaunti lang sila sa bahay, walang mintis pa rin yan sa pag-grocery. Para bang parating nagreready sa end of the world sa bahay sa dami ng mga pinamimili. Kaya nga ba ang kapatid kong si Paolo, tuwang tuwa kapag umuuwi ng bahay dahil nakakapag-grocery siya sa mini-grocery ni madir.

Last night, sumama kami kay Mama G mag-grocery kasi hindi nakalimutan ni Ian ang pagpunta sa supermarket na prinomise sa kanya ni madir.

Me: Ian, where are we going?
Ian: Supermarket!
Me: What are you going to buy in the supermarket?
Ian: Chuckie...Yakult...Wafer Sticks...

Kaya ayan, naipamili kami ni Mama G ng ilang mga items...




Kanina, I had a conversation with Mama G...

Me: Ma, mukhang namiss mong mamili ng marami ha kasi pati kami pinamili mo.
Mama G: Bakit, marami pa rin naman akong mamili ha? 
Me: Sabagay...
Mama G: Kaya ang daddy mo, huwag akong hahanapan ng ipon.
Me: Hehe.
Mama G: Sabi nga ng daddy mo kagabi mukhang marami ka na naman nadampot kahapon kasi panay thank you mo.
Me: Ano sabi mo?
Mama G: Ano pa nga ba?
Me: Hindi naman... Puro kay kambal naman yun ha!

Wala lang. Share ko lang sa inyo. Nakakatuwa kasi si Mama G, kahit mabunganga yan, labs na labs kaming magkakapatid. Tapos kapag kukuha kami sa ref niyan at cupboard, kunwari lang yan sisitahin kami pero deep inside tuwang tuwa yan kapag nag-grogrocery kami sa kanya kasi kapag nag-grogrocery yan sa supermarket, ang dinadampot niyan madalas yung mga gusto namin. Hehe. =)

Wednesday, August 28, 2013

Tuesday, August 27, 2013

Food Trip: Cafe Lidia

Last week, blinock na ni Mama G ang August 26 namin (since holiday yun). Pupunta raw kami sa Marikina to eat burgers. Napanuod daw niya kasi sa KrisTV na may restaurant sa Marikina na nag-seserve ng gigantic burger and mukhang masarap daw.

Ang daming plano ni Mama G. Nung una bibili raw siya ng gigantic burger then share share na lang daw dahil around P600.00 daw ang isa nun and super laki since 5 patties yun. Pero nag-protesta ako dahil kami ni Papa G hindi na kumakain ng beef at kawawa naman kami. Hanggang sa sinabi niya na oorder na lang daw siya ng lahat ng klaseng burger then share share silang tatlo ni hubby and brother ko. Tapos kami naman ni Papa G oorder ng Turkey Sandwich, Chicken Burger and Pesto and Sundried Pasta.

August 26 came... 

We left Las Pinas at around 3:00pm. Sinundo namin si Papa G sa Makati (addict sa work eh kaya pati holiday pumapasok). Then we headed to Marikina to look for Mama Chit's Coffee House. Ang bilis naming nakarating sa Marikina. Walang ka-traffic traffic since holiday nga. Pero sa paghahanap ng Mama Chit's inabot kami ng isa't kalahating oras!!! We used Waze pero niligaw kami!!! Sabi nga ni Papa G, minsan talaga mahirap mag-rely sa new technology. Mas-effective pa yung lumang gawain na nagtatanong tanong ng daan. Hehe!

After 10 years, nakarating din kami sa Mama Chit's Coffee House...




Walang parking! Kung sa gilid ka lang magpapark, may nagtotow daw kaya sa may San Roque Church na lang nagpark si Papa G. Tapos pagdating sa loob, ang daming tao! Pila balde ang peg! Tapos may nakalagay sa counter na for take out only. Nyak! Sa sobrang dami ng tao, hindi na sila nagpapadine-in, puro take out na lang daw. Tapos nung inask ko yung menu nila, sinabi sa akin baby burgers na lang daw ang available. Ano daw? Ang saklap ano? Ang layo na nang pinanggalingan namin tapos nagkandaligaw ligaw na kami kahahanap ng cafe na yan, tapos wala silang stocks!!! Haaayyysssttt...

Anyway, since nasa Marikina na lang din kami, nag-search ako ng ibang pwedeng makainan na dinadayo rin doon. Una kong nakita yung Isabelo's. Walking distance lang siya from Mama Chit's. We went there kaso lang olats din! Kailangan pala may reservation. Nyak! Nyak! Nyak!  We tried to talk to them kung pwede makalusot kami since galing pa kami sa malayong lugar, pero hindi raw talaga pwe-pwede.

Lapit na mag-give up si Papa G. Gusto na umalis sa Marikina. Parang narinig ko Yakimix na lang daw kami. Pero di pa rin ako nag-give up. One last try... sa Cafe Lidia na lang kako kami. Mukhang masarap naman and maganda rin naman mga reviews.

Madali na lang namin nahanap yung place since may map naman. Kaso nga lang ang daming one way sa lugar na yun.




When we arrived there, ang dami ring tao. Napagtanto ko na na-feature din pala sa KrisTV. Anovayan!? Pero bago kami bumaba sa car, tinanong muna namin yung guard kung makakaupo kami. Mabilis lang naman daw mga 15 minutes ang waiting kaya gorabels na kami.

At least dito, makakaupo kami kasi malaki yung place unlike sa Mama Chit's super small lang nila (Wala pa yatang 20 pax ang kasya sa cafe nila eh) and hindi rin problema ang parking dahil may parking space sila sa harap ng resto.




Eto ang pila sa labas ng resto...




Here are some of the dining areas ng resto. Sa sobrang laki, hindi ko na kinunan lahat ng areas.

First floor...




2nd Floor...




Here are what we ordered:

Nachos Grande (Sorry naupakan na bago nakunan ng picture. Hehe!)...


P285.00


 Buffalo Wings...


P170.00


Potato Salad...


P120.00


 Chicken Kiev (Again, paubos na nung narealize na di pa napicturan. Kaya borrow lang muna ng picture from the net)...


photosource
P205.00


Beef Tenderloin Steak...


P365.00

Pasta with creamy mushroom...


P150.00


Spaghetti Gamberi...


P170.00


Pasta Ala Lidia...


P155.00


Baked Mac and Cheese...


P145.00


Trio Formaggi...


P225.00


House Special Pizza...

P240.00


Blue Berry Cheesecake...




Chocolate cake...




Marshmallow Chocolate Cake...




Ang dami naming inorder ano? Di naman halatang tomjones kami. Hehe! Anyway, Cafe Lidia's food is very affordable ha. All of the food that we ordered together with our drinks cost only around P2,600.00 (net of Senior Citizen discount). With the food naman, I don't want to comment that much. For me, ok naman siya, masarap naman but nothing special. Mahirap kasi magcomment kasi that time ang daming tao since nafeature nga sa KrisTV. Sabi nga ni hubby, if you want to know the real taste of their food, eat there again with less people since kapag sobrang daming tao nagdedeteriorate yung quality ng food. Well, may point naman si hubby doon.

And siyempre, di matatapos ang gabi without our group picture. Here we are with our happy tummies...




Lesson learned from our Marikina food trip: Magpalipas muna ng ilang buwan bago mag-try ng restaurant na nafeature sa KrisTV. I guess sobrang effective endorser talaga si Kris. =)

That's our food trip. Kayo, what's your latest food trip? Share naman diyan...






Foggy Weekend at Tagaytay Highlands

Last Saturday, hubby was invited by a certain pharma company to attend a lecture at Tagaytay Highlands. As always, free accommodation yun. Since long weekend naman dahil holiday ang August 26, hubby agreed to attend. At para rin hindi maging boring ang weekend namin, hinatak ulit namin ang mag-asawang si Kuya Bimbo and Ai (my in-laws). At siyempre, they agreed to go with us dahil matagal tagal na rin since the last time we went out together. =)

Naki-ride kaming mag-iina kila Kuya Bimbo going to Tagaytay since may clinic pa si hubby that time. And t'was a hell of a ride for Kuya Bimbo dahil ginugulo siya ng mga Kulilits habang nagdridrive. Hehe!

We went first to Carlo's Pizza in Tagaytay to buy some Buffalo Chicken and Four Cheese Pizza para pandagdag sa baon namin. =)




While waiting for our takeout, picture picture muna kami around the place.

With the view of Taal volcano (Kainis lang yun mamang extra di man lang umalis. Hmf!)...


Ai, Kuya Bimbo, Ian, Chris & Me


Wacky Wacky naman daw...


Ai, Kuya Bimbo, Ian, Chris & Me


The Kulilits with their Tita Ninang Ai...


Chris, Ai & Ian

The Kulilits with their Tita Ninang Ai & Tito Ninong Bimbo...


Ai, Chris, Ian & Kuya Bimbo


After Carlo's Pizza, we went na to Tagaytay Highlands to meet hubby.




Super foggy when we arrived there kaya medyo mahirap magdrive around and hindi na kami nakapamasyal outside. We stayed at Belle View.

Here are some pictures of the unit where we stayed...

The dining area...




The kitchen...




The living room...




The bedroom...




Sayang at hindi nakunan yung bathroom. Pero the bathroom is very spacious. May jacuzzi, toilet, separate shower area and his & hers lavatory.

Our group picture...


Hubby, Chris, Me, Ian, Kuya Bimbo & Ai


Anyway, di na kami nag-aksaya ng oras. Nagset-up na kaagad kami for dinner. Pero before our dinner, nag-appetizer muna kami ng pizza. Hehe!

Our appetizer...


Doc Padu & the three cheese pizza


Our dinner - tortang talong, vegemeat Bicol express and buffalo wings...




Hubby did not join us na sa dinner kasi he attended nga a lecture. So kami lang nila Ai and Kuya Bimbo ang mga adults na kumain ng dinner. Just imagine kung wala sila Ai and Kuya Bimbo, ang lungkot ko naman kumain mag-isa. Hehe.

After dinner, chillax muna kami - nuod ng TV and nap nap muna. Pero ang mga Kulilits, di nagpapigil! Di pinalagpas ang bath tub. Ayun, nagswimming ang mga anak ng tubig...










Hubby went back almost 10:00pm na. Nagstart na kaagad si hubby and Kuya Bimbo magkwentuhan while drinking wine. Yes, wine na ang iniinom ng dalawa instead of beer. Lumelevel-up na. Hehe! Ako naman, pinatulog ko muna ang mga Kulilits bago ako sumunod sa kanila.

Guess what? Nataob ng dalawa yung 2 bottles of wine. Just imagine kung gaano kahaba ang kwentuhan namin. Inabot na kami ng 4:00am! And according to Ai, 5:00am na sila natulog (maaga aga kasi ako nag-sign off eh). Kaya ayun, di na rin natuloy yung plan namin na mag-ikot sa Highlands the following day.

The following day, wala akong excuse to wake up late. May mga human alarm clocks kasi ako eh. Ang aga nagising ng mga Kulilits. 8:00am kinalabit na ako ni Chris sabay sabi "Mommy, wake up! I'm hungry!"

Kaya ayun, nag-set na ako ng breakfast namin...




And here's the morning view from our balcony...




After breakfast, nagready na kami for checkout since may lunch c/o the pharma company.

We had buffet lunch at Josephine's restaurant. Grabe ang traffic going there ha. Inabot kami ng siyam siyam. Pati sa parking nahirapan kami dahil ang daming tao.

Anyway, here are some of our photos during lunch...

Nakakatawa yung mukha naming mag-asawa dito ano? Hindi maipinta. Ako, pilit na ngiti dahil antok na antok na ako dahil kulang ako sa tulog. Si hubby naman naka-ngiwi. Di ko alam kung bakit. Siguro ngumunguya pa dito. Hehe.


Me & Hubby


Here naman are Kuya Bimbo & Ai...




After lunch, sa Amadeo na kami dumaan para iwas traffic sa main road. Since doon na rin kami dumaan, we passed by na rin sa Mahogany market to buy some fruits.

That's our weekend guys. How about you, how did you spend it?