Ads

Tuesday, June 09, 2015

Who's Excited?

In less than 3 weeks, magJajapan - Japan na kami! Woohoo! As always, mag-e-early birthday celebration kami ng birthday ni Mama G. Yearly kasi namin ginagawa yun eh. At very excited na ako!

Naku ha, muntik na naman ako maunsiyami! Najontis kasi ako eh, early this year pa kasi namin nabili yung plane tickets during the travel expo at SMX. Last 2010, magJajapan din dapat kami ni hubby. We have the plane tickets na, eh tapos nabuntis ako with twins. Di ako pinayagan ng OB ko, kaya ayun di kami natuloy. Buti na lang at narefund namin yung plane tickets. Sabi nga ng daddy ko, every time na magJajapan ako, nabubuntis ako. Buti na lang at singleton lang etong pinagbubuntis ko, at least puwede pa rin ako gumora!

Anyway, dahil excited na ako, I bought 2 new luggage. Yung existing kasi namin na mga hard case, pang hand carry lang eh. Tapos yung medium-sized luggage ko, pinamigay ko na kasi Jurassic na yung design and ang bigat.

Here are the luggage that I bought...




Pasensya na sa color ha. Orange yan sa totoong buhay. Yes, alam ko na shocking! Wala na kasing black eh, tapos yung isang color parang maroon ata yun, basta pang gurangis na kulay. Ayaw ni hubby! Hahaha!

Kami kasi ni hubby, very practical eh. More on function over form kami plus value for money. Like this one, it's not a "big", "expensive" and "international" brand like Rimowa, Delsey, Samsonite, etc. It's a Filipinio brand, Racini. It's already a hard case, expandable, 360 degrees and has TSA lock. We only bought it for P2,490.00 and P2,4429.78 respectively. Aside from that, it's very lightweight. Talo pa yung mga well-known and super expensive brands. It only weighs 2.5kg! San ka pa, di ba? Good deal right?

For its durability, mukhang matibay naman eh. Malalaman natin yan since we are going to commute lang in Japan. But still, if ever bumigay, magasgas gasgas or pagtripan sa airport, di pa rin masama sa loob dahil mura lang siya.

What do you think guys? Kayo ba, function over form din ba? Practical? Or you go with the big and expensive brands?

No comments:

Post a Comment