Nung 2nd year highschool lang ako natauhan. May isang photo kasi ako na sobrang nandiri na ako sa sarili ko (sorry for the term pero yun talaga ang naramdaman ko that time). Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko na magpapayat kasi sobrang pangit at taba ko na. Tapos natakot din ako dahil baka walang magkamaling manligaw sa akin. Imagine, 193 pounds ako that time. Kaya ako mismo ang lumapit sa mom ko and sinabi ko na i-enroll ako sa gym at gusto ko na magpapayat. Sobrang tuwa ng parents ko nun kasi sa wakas gusto ko na magpapayat at ako mismo ang nag-initiate. Kaya ayun they enrolled me sa Slimmers World as a lifetime member. Hindi naman nasayang yung membership that time kasi sobrang tiyaga ako. Buong summer, twice a day ako nag-gygym. I even attend 3 sessions of aerobics classes. Kaya pagdating ng 3rd year highschool nagulat yung mga classmates ko kasi ang laki ng pinayat ko. I maintained it naman until 2nd year college. My lowest weight yata that time is around 115 pounds. Payat na yun for my body structure ha kasi big boned ako.
Nakuha ko naman ang goal ko that time - pumayat at magkaboyfriend. Hehehe. Here is my picture during my debut with my first and last boyfriend (Doc Padu)....
O di ba, pareho pa kaming payat ni hubby that time. Pero after my debut, since may boyfriend na ako at pareho kaming food explorer ni Doc Padu, unti unti na naman akong tumaba. Pero kahit papaano medyo conscious pa rin ako kaya parang yoyo ang weight ko nung mga panahon na iyon.
After kong grumaduate ng college at nakapagtrabaho, sadyang nakalimot na talaga ako. Sa marketing department kasi ako ng Crown Asia eh. Ang dami kasing party sa office at pakain ng mga brokers na nakakabenta. Kaliwaan ang kainan. Kaya ayun palobo na ako ng palobo ulit.
Come my wedding day in 2006, wala na akong nagawa. Ako na ata ang pinakapangit na bride dahil ang taba taba ko tapos wala pa akong gana sa wedding gown ko kasi alam ko wala naman babagay sa akin dahil sa size ko. I'm around 205 pounds ata that time. Here is my picture during my wedding...
After the wedding, wala na talaga akong pakialam sa katawan ko. Basta masaya ako, go lang ng go. Then 2007, 2008 and 2009 came. Hindi pa ako nagkakaanak. Medyo nagwoworry na ako. Pero dumating yung 29th birthday ko nung 2009, nagkaroon ako ng realization. Magthi-thiry na ako at baka matuloy ang end of the world ng 2012 (nung 2009 kasi pinalabas yung movie na 2012 eh) tapos wala pa akong anak. Ayaw ko naman na hindi ko ma-experience na magkababy no. Kaya ayun, nagsumikap ulit akong magpapayat. Kaya nagsimula ulit ako mag-exercise and mega support ang padir ko that time dahil gustong gusto na niya magka apo. He even gifted me a pair of running shoes and treadmill (yes, sila yung old pals ko). Unti unti naman akong pumayat that time and di ko namalayan na jontis na pala ako. Take note, nagsasali pa ako sa mga marathons di ko man lang alam na may laman na matres ko.
Here is my photo around September 2009. This is the peak of my weight. I'm more than 250 pounds ata dito...
Here naman is my photo in June 2010 when I joined the Bottle Run (hindi ko pa alam na buntis na pala ako dito)...
So ayun, kahit hindi ko na reach ang goal ko in terms of my weight, nakuha ko naman ang ultimate goal ko na magkababy. Ang nakakatuwa pa is hindi lang isa, kundi dalawang bouncing baby boys.
Ngayon, eto na naman ako. Back to square one. Gusto ko na ulit pumayat. My current weight now is 205 pounds. Yes, ina-announce ko sa world wide web ang weight ko. Mas ok yan para maraming witness at lalo akong magpursige na pumayat dahil maraming mata ang nagmamatyag. Ang bigat ko ano? Pero hindi masyadong halata dahil ako ang tipo na mataba na hindi lousy (may shape pa rin naman daw kahit papaano sabi nila) and hindi lalamya lamya.
So what are my reasons now why I want to lose weight? Ang dami actually and here they are according to priority...
1. Health Reasons - Healthy pa naman ako kahit papaano except for the fact na wala na akong gallbladder. Hindi pa naman ako high blood and diabetic kahit malaki ako. Pero naman, sa dami kong kakilala na na-stroke at inatake sa puso na natigok, sino ba naman ang hindi matatakot di ba? Gusto ko pa naman kahit papaano makitang lumaki ang mga anak ko. I don't want to die young no!
2. I want to have baby no. 3 or baby no. 3 and 4 (yes, nangangarap ulit kami na magkatwins pero girls naman) - Before I reach 35 years old, target na namin ni hubby na magkababy ulit. High risk pregnancy na kasi pag more than 35 years old eh. Eh mag 33 years old na ako so kailangan na talagang humabol.
3. Balak ko maging endorser ng isang product - yep, you heard me right. I'm taking a product kasi ngayon. Isa yun sa business ng dad ko. Di ko muna i-aannounce kung ano yun dahil baka mamaya pumalpak ako. Nakakahiya naman di ba, baka mamaya sabihin hindi effective eh. Pero seriously, kinausap ko dad ko na isponsor niya ako dahil may kamahalan ang product na ito. Sabi ko sa kanya gawin akong guinea pig. Natuwa naman siya, in fact, pati raw si hubby pagamitin ko. Di ba ang saya nun, magbibigay ako ng testimony sa ibang tao pag-pumayat na ako? Malay niyo, magbigay ako ng give-away in the near future. Give me a month or two may effect na siguro.
4. Ayaw kong mag-mukhang losyang - Sino ba naman ang gustong magmukhang matanda sa age niya di ba? Aside from that, ang hirap din maghanap ng matinong damit kapag malaki ka. Gusto ko ibalik yung dati na kapag may nakita akong type ko na damit, hindi ko na kailangan magsukat.
5. I'm inspired by my CSA batchmate na si Fleur or mommy fleur - She is the mommy behind www.mommyfleur.com. Ang galing kasi niya eh. Malapit na niya mareach ang dalaga weight niya. Sobrang nakakainspire. You can see how thin, sexy and fab na siya right now. Actually, hindi lang sa pagpapapayat siya nakaka-inspire kundi sa iba't iba pang aspeto ng buhay. You check her website and see it for yourself.
So that's it! Samahan niyo ako sa misyon kong ito ha...
wow!! i feel you.. yoyo din dating ng weight ko before i got pregnant.. mabilis ako pumayat and mabilis din ako tumaba.. i enrolled in a gym too, even enrolled in boxing.. got my ideal weight but when i got pregnant, since bahay lang ako.. tumaba ako..
ReplyDeletei love food as well, then tamad mag exercise.. har! sabi nga nila, dapat mind over matter and full pledge kang magpapapayat to meet your goal.. i dont have that.. huhu.. but im gaining conscious about that fact kaya im trying to eat less nadin..
try boxing din! i am currently enrolled sa ringside, sa may madrigal.. you might want to try it.. 1-2 hours of boxing, sulit na everyday kasi whole body workout cya eh,.
goodluck to us!
and alam mo ba, insipiration ko din c mommy fleur! i read her blog halos everyday. fan na din nya ako! hehehe..
Hi Sis! Yung mga in-laws ko they box din sa Ringside and niyaya ako. As much as I want to sana, di ako makaalis sa house. I don't have a yaya/ maid na kasi. So full time mom and all around na ako sa house kaya sa house lang ako pwede mag exercise :( Yung membership ko nga sa Slimmers World nasasayang lang eh. Huhu.
DeleteYep, goodluck sa ating misyon sa pagpapapayat! Grabe, ang laki pa ng kailangan ko ilose! Pero tama ka dapat mind over matter and full pledge sa pagpapapayat para maachieve ang goal. :)