Ads

Monday, February 11, 2013

What Happened Last Tuesday...

Last Tuesday, we went around the South - Silang, Alfonso, Talisay and Calamba - to pay for our family corporation's real estate property taxes. Yes, ako ang in-charge diyan. Ang toxic kamo kasi iba ibang munisipyo ang kailangan puntahan. Tapos minsan, mas malaki pa ang transportation cost kaysa sa babayaran na amilyar (Tagalog work for real estate property tax).

A side kuwento muna: On our way, we passed by Mc Donalds drive thru at Petron San Pedro to buy breakfast. I got chicken sandwich while the kulilits got pancakes. While my mom was preparing the pancakes for the boys, I noticed that the syrup was malabnaw. I even told my mom about it pero deadma lang siya kaya nilagay pa rin niya. Then when she gave Ian a piece of pancake, biglang niluwa. I wondered why kaya tinikman ko. Kaya naman pala niluwa kasi maasim and kaya naman pala malabnaw ang syrup dahil hindi siya syrup kundi suka. Ayun, nasayang lang ang pancakes. Aside from the pancakes, di rin namin nagustuhan ang fries. Alam niyo yun, supposedly the best ang fries ng Mc Do di ba? Kaso yung naibigay sa amin, parang luma na and matigas. Kaya itong si madir, mega call sa customer service ng Mc Donalds at nagreklamo. Nagreturn call naman kaagad ang branch to apologize and to inform  my mom that they will replace the pancakes and fries. May mga natutunan naman kami sa incident na ito which are(1) amuyin muna ang mga sauce/syrup/etc. bago ito ihalo sa pagkain and (2) check first the food that you ordered before driving away.

So balik tayo sa pagbayad ng amilyar...

We first went to Silang municipal hall since yun yung pinakamalapit. Then on our way to Alfonso municipal hall, we stopped first at Mushroom Burger. Siyempre ang order ko is Mushroom Sandwich with Cheese (a vegetarian option), my mom got the Mushroom Royal and my boys had Lomi. Ang masasabi ko, wala pa rin kupas ang Mushroom Burger!

Then at Alfonso municipal hall, matatawa ka kasi we paid na pala in advance our amilyar kaya we don't have to pay anything this year. Hahaha! Knowing that I reviewed muna all the docs bago kami umalis, di ko man lang napansin. Fail talaga! Para lang nagdahilan para makadaan sa Mushroom Burger. Hehehe!

After Alfonso, we went down from Tagaytay to Talisay. Then from Talisay municipal hall, we passed by Star Tollway to go to Calamba municipal hall. Ang traffic sa Calamba! Parang ang sikip ng daan compared sa volume ng sasakyan. Pero, in fairness ha, ang ganda ng munisipyo nila. Ang shala!

Since maaga-aga namin na-accomplish ang pagbayad ng amilyar, we decided to go Treveia Nuvali clubhouse para makapagswim ang mga kulilits. Wala pa kasing ligo ang mga boys eh kasi pagkagising pinalitan ko lang ng diapers tapos diretsong layas kaagad kami (take note naka pajamas pa sila). 

At Treveai Nuvali clubhouse, sobrang excited ng mga kulilits nang makita ang tubig! Di pa nakakapalit ng swimming trunks gusto na kaagad magswim. Share ko sa inyo pictures nila as proof na sobrang addicted sila sa water...


Ian & Chris


Chris


Ian


Chris & Ian


Chris & Ian


Ian


Chris


Hindi naman halatang sulit na sulit ang pagbili ni Mama G ng mga swimming trunks nila ano? Hahaha!

May ganito pang eksena sa clubhouse:

Mama G (jokingly): Let's go boys! Tara, uwi na tayo!
Chris: NO!
Ian: SWIMMING!

Demanding ang mga kulilits di ba? Eto namang lola, lokang loka sa kanyang mga apo.

After swimming, we passed by a small restaurant called Traveller's Sizzling Bar for dinner. Gusto kasi magsisig and bulalo ni madir eh. Ako naman I ordered chopseuy. Then I called up hubby para sumunod doon since nasa Sta. Rosa Hospital and Medical Center lang naman siya.

So that's what happened last Tuesday. Kapagod ano?

No comments:

Post a Comment