We are currently living in a 3-storey apartment owned by my hubby's family. Though 3-storey siya, maliit lang ang floor area kaya masikip na siya for us. Ang hirap na kumilos since apat na kami. Yung tipong, kakailanganin mo na mag-excuse me bawat galaw mo. Tapos we have 2 rooms which yung isang room na dapat room ng mga kulilits ay naging storage/closet na sa sobrang dami ng gamit namin. Hindi naman forever matutulog ang kambal sa room namin di ba? Paano naman kami makakagawa easily ng baby no. 3 kung lagi kaming nangangamba na baka may biglang ulo na sumilip sa amin. Hahaha! Tapos, we are planning to get Pawie back pa.
Kidding aside, need na talaga namin ng bigger house. May condo nga kami kaso studio type lang. Hindi rin uubra. Kaya ngayon, we are searching for a bigger house. We prefer to live in BF Homes Paranaque. Why? Una, developed na yung community. Marami nang establishments around. Pangalawa, very accessible kasi gitna siya. Yung tipong marami kang dadaanan. Like if you want to go to Makati, either airport road or SLEX ka dadaan. Tapos, if you want to go to Las Pinas, may mga different exits sa subdivision going there. Pangatlo, hindi problema ang mode of transportation kahit commute lang madali. And pang-apat, mas ok sa amin in terms of transportation expense kasi si hubby may clinic sa Makati, Paranaque and Laguna area. Hindi kami gaanong talo sa gas and toll fees.
I found a foreclosed house in the net. Interesting siya kasi mura lang considering the lot area and location. Sabi ko kay hubby, kahit dilapidated na yung house, ok na rin kasi ang habol ko yung lot and mas gusto ko magbubuild kami ng house from scratch. Sakto kasi it is inside BF Homes. I told hubby to check muna the location and see if somebody is still living in the house before we inquire. Mahirap kasi kung may tao pa, baka maging magulo ang proseso ng pagbili.
We went there this morning to check the location and condition of the property. Ang ganda ng location kasi secured ang place and it is very near Aguirre St (the main street in BF). Tama nga ako, dilapidated na ang house kaya ganun ang price. I asked hubby to check if may nakatira pa. Kinatok niya, meron pa nga and medyo di maganda ang tono nila. Yung tipong nang-aaway. Si hubby, very eager na kunin yung property. Pero sabi ko sa kanya, we ask first the bank kung ano ba talaga ang lagay ng property and in case we purchase it, kung pwepwede na wala nang nakatira by that time. Mahirap na di ba ang magulo?
After that, I told him na meron din sa Pilar Village. We checked it out also. Though bigger yung lot area, di namin masyado type ang atmosphere ng subdivision. Medyo magulo kasi and iba ang dating.
Sabi ko na lang kay hubby, hahanap na lang ulit ako ng iba pero inquire na lang din niya tomorrow yung property. Ang sa akin, kung para sa amin talaga, mapupunta at mapupunta rin sa amin. I believe din na magkakaroon ng divine intervention sa paghahanap namin ng property like nung panahon na naghahanap kami ng condo.
Ang sarap pala mag-house hunting ano? Nakaka-excite! Sana before the year ends makahanap na kami ng sarili naming house and lot. Yun kasi ang objective namin this year eh. Pagpray niyo kami ha.
In case you know a property for sale in BF Homes, kindly share it to me ha baka pwede namin maging option.
That's our house hunting adventure for the day...wish us luck guys...
No comments:
Post a Comment