Anonymous callers offering credit card services such as cash loans, balance transfers, deferred payments etc. are so annoying. Lalo na if you are busy doing something na sobrang focused ka tapos biglang may tatawag na akala mo important call then in the end mag-ooffer lang pala ng something. Haaayyysttt! Alam niyo yun, nasan na ang telephone courtesy??? Hindi ba pwede SMS na lang? If I really need that kind of service, ako naman ang mismong tatawag sa credit card customer service eh.
Bakit ba ito ang topic ko ngayon? Kasi this afternoon, I'm in the middle of running in the treadmill, may tumawag sa cellphone ko which I thought is very important. Kaya kahit hingal na hingal at pawis na pawis ako, I answered it. Tapos nag-ooffer lang na gawin kong deferred ang payment ng balance ko sa credit card ko. Eh hindi naman talaga ako nag-aavail ng mga ganyang klaseng services dahil allergic ako sa mga interest interest. Alam niyo yung feeling na ganadong ganado ka sa ginagawa mo tapos biglang masisira ang momentum? Kainis lang talaga eh!
At huwag ka, sinabi ko na sa kausap ko na nag-eexercise ako then nagbye na ako, tumatawag ba naman ulit. Hindi naman siya masyadong bastos ano?
Kayo ba na-experience niyo rin yung ganito? Share naman...
No comments:
Post a Comment