Yesterday, we left the house a little past 3:00pm. We passed by S&R first to buy some baon - pizza, roasted chickens and softdrinks. Masarap and mas kompleto atang manuod ng movie with some chichas around. Ikot kami ng ikot sa S&R, then we suddenly realized na it's past 4:00pm na. Eh 4:00pm ang start ng activity sa Nuvali. Kaya bigla kaming nagmadaling umalis.
We arrived at Nuvali at around 5:00pm na. Sakto nga ang pagdating namin kasi magstart na magscreen yung first movie. Medyo may araw pa kaya gala gala muna kami around the place...
Here is the event's setup...
May mga family na may kompletong parapernalya na kagaya namin. Parapernalya like baons and banig. Hehehe. For those naman na walang mga mats, may mga chairs naman na available and may mga banig and mats din silang pinapahiram.
Good thing din na may play area setup sila which is very patok sa mga bata...
Even the kulilits enjoyed it...
Buti na lang at sinama ko yung labandera ng mom ko and kids niya. At least, may kasama ang mga kulilits maglaro sa play area. Grabe ang mga kulilits ko, ayaw magpapigil sa slide. Walang takot talaga. Ako ang natatakot baka madaganan ng mga big kids kaya inalis ko na rin kaagad.
Then, we settled na to watch the movie. Eto ang panoramic shot na ginawa ng brother-in-law ko...
Ang daming love birds ano? Buti nga hindi kami nilanggam eh!
Siyempre, hindi rin mawawala ang souvenir shots namin.
My family...
The sweetest couple na lagi naming hinahatak sa mga lakad namin - Kuya Bimbo and Ai...
Maya maya, we started to attack na the food that we brought with us...
There is a game in between movies. It's the famouse "Bring Me" game. With a twist nga lang kasi related sa mga couples eh. Ako pa naman game na game sa mga ganyan. Kaya sinenyasan ko na si hubby and sila Kuya Bimbo na sasali kami. Sabi ko, malay natin may Krispy Kreme donuts na prize since they are one of the sponsors of the event.
Sabi ng host: "The first couple who could bring me their wedding rings." So nagkaripas kami ng pagtakbo ni hubby para manalo. Kaso lang pagdating doon, gold ring dapat eh two toned yung amin. Bad trip lang kasi wala naman sinabi nung una na dapat gold ring ang dadalhin. At eto pa, since hoping akong manalo kami ni hubby, niyaya ko na si hubby na pwumesto sa harap. Pero wala talaga, olats kami! Hahaha!
Pero nung time sinabi ng host: "The first couple who could bring me their matching watches." Pinapunta ko sila Kuya Bimbo. Buti game din sila. Nahawa na rin ata sa akin ang mag-asawa eh! Hahaha!
Here are their matching watches...
Here is Ai holding their prize...
After the game, nagstart na yung 2nd movie. Habang pinapalabas, niyaya ko si Ai na mag-CR muna kami. Then nung pabalik na kami, naki-osyoso kami sa isang booth kasi may mga nakapila. Nakita namin na may game doon na ishooshoot yung pingpong ball sa paper cup. Kapag nakashoot, may prize. Since mga walang magawa kami, nakipila kami.
Nung turn na namin, tinignan ko yung mga prizes. Tinignan ko kung anong prize ang pinakasulit na mapanalunan which is a t-shirt. Kaya tinanong ko yung organizer kung saang cup yun. Since ako ay isang competitive na tao, yun talaga ang in-aim ko. We are given 3 tries each. Good thing, first try ko pa lang nakuha ko na kaagad yung t-shirt. Happy na ako sa prize ko! At least, kahit papaano may naiuwi ako nung gabi na iyon.
After the 2nd movie, gusto pa sana ni hubby panuorin yung pangatlong movie kaso lang sleepy na ang mga kulilits kaya nagkayayaan na rin umalis.
Since nanduon na kami sa area, we passed by the Paseo market to eat dinner. Famous kasi yung The Blue Corner (TBS) restaurant doon eh. They ordered sizzling sisig and Bulalo. Tapos may natira pa kaming isang pack ng roasted chicken kaya pinainit na rin namin. Hindi na nga ako nagdinner eh kasi nabusog na ako sa buko shake na binili ko.
Habang kumakain, panay tunog ng cellphone ni hubby. Hinahanap na siya sa Zarate Hospital. Kailangan pa niya kasi magrounds kasi may toxic patient siya. Kaya bandang huli nakatsawan namin siya dahil ang lakas ng loob niyang magyaya na panuorin pa yung last movie.
After dinner, hubby went directly to the hospital tapos kami nila Kuya Bimbo umuwi na. Then nagcontinue kami ng kwentuhan sa house habang hinihintay makauwi si hubby. We finished past 3:00am na.
Ganyan kami every weekends. Puyatan to the max. Walang katapusang kwentuhan. Magkapitbahay lang eh! =)
No comments:
Post a Comment